Nakuha sa wakas nila Rafli Fathur “Mikoto” Rahman at Talon Esports ang kanilang unang 2-0 panalo sa PGL Arlington Major 2022 matapos nilang walisin ang Soniqs (dating kilala bilang Quincy Crew) sa Group Stage Day 2.

Matapos bumida ng Medusa ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon sa Game 1, nagpasiklab naman ang Puck ni Mikoto sa Game 2 kung saan pinaikot-ikot niya ang sila Quinn “Quinn” Callahan sa isang napakahalagang Roshan fight.


Mikoto sinayawan ang Soniqs gamit ang Puck, sinelyo ang unang 2-0 win ng Talon

Mikoto (sa kanan) kasama ang Talon Esports team manager na si Brando
Credit: Talon Esports

Halos pantay lang ang laban mula sa laning phase hanggang mid game ngunit nagsimulang umabante ang pambato ng North America sa bandang 30-minute dahil sa kanilang late-game oriented lineup na nakaangkla sa Wraith King ni Yawar “YawaR” Hassan.

Pero pagdating ng Roshan fight sa 36 minutes, na-kite nang matindi ni Mikoto ang mga miyembro ng Soniqs at pinitas ang mga nasa backline kasama ang Night Stalker ni Damien “kpii” Chok para ibigay ang bentahe sa pambato ng Southeast Asia.

Sa huli ay napatumba nila ang tatlo sa Soniqs at napwersa ang Reincarnation kay YawaR kaya na-secure nila ang Aegis of Immortal at Aghanim’s Shard mula sa ikalawang Roshan.


Mula dito ay nagpatuloy ang pag-arangkada ng Talon patungo sa kapana-panabik na 51-minute victory na may 46-30 kill score.

Isang beses lang namatay si Mikoto sa kabuuan ng laro at nagtala siya ng 10 kills kasama ang 24 assists. Binitaw din ng 22-year-old Indonesian star ang pinakamataas na damage sa laro na umabot sa 66.5k.

Nakabawi ang Talon mula sa 0-2 pagkatalo sa Outsiders at umangat sa 3-5 record sa Group A sa pagsasara ng Day 2 ng huling Dota 2 Major ng taon.

Samantala, nag-struggle naman ang BOOM Esports at Fnatic matapos ang magandang performance sa Day 1. Nakalasap ng dalawang 0-2 sweep ang kasalukuyang SEA champs na BOOM sa kamay ng beastcoast at Entity habang ang Fnatic naman ay natalo sa PSG.LGD, 0-2, pagkatapos ng 1-1 draw sa Royal Never Give Up.

Credit: BOOM Esports

Standings pagkatapos ng Arlington Major Group Stage Day 2

Group A

KOPONANRECORD
PSG.LGD6-0
Outsiders5-3
Royal Never Give Up5-3
Team Liquid4-2
Talon Esports3-5
Fnatic3-5
OG2-4
Thunder Awaken2-4
Soniqs2-6

Group B

KOPONANRECORD
Team Aster6-2
Entity5-3
Na’Vi5-3
Team Spirit5-3
beastcoast3-5
BOOM Esports3-5
Evil Geniuses3-5
Tundra Esports2-6

I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga update patungkol sa PGL Arlington Major 2022.

BASAHIN: OG bzm nagtala ng 27 kills sa Arlington Major gamit ang item build na ‘to sa Batrider