Hindi kumpletong makadadalo ang mga miyembro ng first-time Major attendee na Talon Esports sa Arlington Major.

Ito ay matapos mabigo ang position four player nilang si Worawit “Q” Mekchai na makakuha ng visa para sa turneong idaraos simula sa ika-apat hanggang ika-14 ng Agosto. Hahalinhin muna sa kanyang posisyon ang manlalaro ng T1 na si Kenny “Xepher” Deo.

Hindi kasama si Xepher sa roster ng T1 na sumabak sa closed qualifiers ng ESL One Malaysia 2022. Imbes, naglaro ang koponan kasama si Ryan Jay “Raging Potato” Qui.

Ang roster ng Talon Esports para sa Arlington Major

Xepher ng T1 hahalinhin kay Q sa Talon Esports para sa Arlington Major
Credit: Talon Esports

(1) Nuengnara “23savage” Teeramahanon
(2) Rafli Fathur “Mikoto” Rahman
(3) Damien “kpii” Chok
(4) Kenny “Xepher” Deo
(5) Brizio Adi “Hyde” Putra Budiana
(Coach) Lee “Forev” Sang-don

Sasabak ang Talon Esports sa kauna-unahan nilang Valve-sanctioned LAN event matapos pumasok ang organisasyon sa pro Dota 2 noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Kinikilala na ngayong ang koponan bilang isa sa pinakamalakas sa Southeast Asia matapos ang Dota Pro Circuit 2021/2022 Division 1 Tour 3. Kahit galing pa sila sa Division 2 noong Tour 2, nagawa nilang panghawakan ang kanilang promotion matapos magtala ng 6-1 record, para magtapos sa ikalawang puwesto at maselyo ang kanilang tiket para sa Major.

Bago lumipad papuntang USA, naka-upo sa ika-22 puwesto ng overall DPC ranking ang Talon Esports nang may 300 points. Kailangan nilang maselyo ang ikalawang puwesto sa Arlington Major para malagpasan ang minimum threshold na humigit-kumulang 980 points at maka-directly qualify sa The International 11.

Xepher ng T1 hahalinhin kay Q sa Talon Esports para sa Arlington Major
Credit: Valve

Tampok sa Arlington Major ang $500,000 (₱27+ milyon) na prize pool at ito rin ang huling pagkakataon na makakakuha ang mga koponan ng pinaka-aasam na DPC points. Kung hindi magiging sapat ang makukuhang puntos ng Talon Esports mula dito, kakailanganin nilang dumaan sa Regional Qualifier para makasali sa susunod na Dota 2 world championship.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Dahil sa visa issue, sina DJ at Jabz lang ang maipapadala ng Fnatic para sa Arlington Major