Magbabanggaan sa DPC SA Regional Finals ang top four teams mula sa Dota Pro Circuit (DPC) Winter Tour South America Division 1 para sa lion’s share ng US$100,000 (mahigit P5 milyon) na prize pool at 380 DPC points.
Kumana ng perpektong 7-0 kartada ang panibagong roster ng Thunder Awaken (dating kilala bilang Thunder Predator) upang pangibabawan ang liga habang pumangalawa naman ang Infamous U.esports na may 5-2 series record.
Pinatumba naman ng beastcoast ang APU King of Kings sa kanilang tiebreaker match para masunggaban ang third place sa standings at third seed papasok ng Regional Finals.
Ano ang DPC SA Regional Finals?

Matapos ang kanselasyon ng Winter Major na umani ng mapapait na reaksyon mula sa pro players at Dota 2 community, napagpasyahan ng Valve na magsagawa ng DPC Winter Tour Regional Finals bilang pamalit dito.
Kinansela ang una sanang Major ng taon dahil sa pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo sanhi ng pag-usbong ng panibagong variants ng COVID-19 kabilang na rito ang mas nakakahawang Omicron variant.
Schedule at mga resulta sa DPC SA Regional Finals

Ang torneo ay tatakbo mula ika-12 hanggang ika-14 ng Pebrero (oras sa Pilipinas).
Nakabase sa GMT+8 time ang oras ng mga laban sa ibaba.
February 12
Upper Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Thunder Awaken | 2-1 | APU King of Kings |
| Infamous | 0-2 | beastcoast |
February 13
Lower Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Infamous | 2-0 | APU King of Kings |
Upper Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Thunder Awaken | 1-2 | beastcoast |
February 14
Lower Bracket Final
| KOPONAN | SCHEDULE | KOPONAN |
| Thunder Awaken | 0 – 2 | Infamous |
Grand Final
| KOPONAN | SCHEDULE | KOPONAN |
| beastcoast | 3 – 0 | Infamous |
Format ng DPC SA Regional Finals

Ang apat na koponan ay maglalaban sa ilalim ng double elimination bracket na may best-of-three matches, maliban sa Grand Final na magtatampok ng isang best-of-five series.
Mga koponang kasali sa DPC SA Regional Finals
| DPC SA TOUR 1 DIVISION 1 STANDINGS | KOPONAN |
| 1st | Thunder Awaken |
| 2nd | Infamous |
| 3rd | beastcoast |
| 4th | APU King of Kings |
Prize at DPC point pool ng DPC SA Regional Finals

Kagaya sa ibang rehiyon, pag-aagawan sa DPC SA Regional Finals ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 (mahigit P5 milyon) prize pool maging ng 380 DPC points.
| PLACE | KOPONAN | DPC POINTS | PRIZE MONEY |
| 1st | beastcoast | 250 | US$50,000 |
| 2nd | Infamous | 130 | US$25,000 |
| 3rd | Thunder Awaken | 0 | US$15,000 |
| 4th | APU King of Kings | 0 | US$10,000 |
Saan mapapanood ang DPC SA Regional Finals

Maaari niyong masaksihan ang mga laban sa opisyal na Twitch channel ng tournament organizer na 4D Esports.
Subaybayan ang mga kaganapan sa DPC Regional Finals sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.