Magpapatuloy ang Dota Pro Circuit 2021-2022 season tampok ang DPC WEU Regional Finals kung saan magsasagupaan ang top four teams sa ginanap na DPC Winter Tour Western Europe Division 1.
Dinomina ng Team Liquid ang isa sa kinikilalang pinakamalakas na Dota 2 regions matapos magtala ng 6-1 series win-loss record samantalang ang dark horse naman na Team Tickles (na kinuha kamakailan ng esports organization na Gladiators) ay pumangalawa hawak ang kanilang 5-2 kartada.
Na-survive naman ng Tundra Esports at OG ang nakakakabang tiebreaker sa pamamagitan ng pagpapataob sa Team Secret at Nigma Galaxy.
Ano ang DPC WEU Regional Finals?

Inanunsyo ng Valve ang pagdaraos ng DPC Winter Tour Regional Finals matapos ang biglaang kanselasyon ng Winter Major.
Hindi natuloy ang una sanang Dota 2 Major ng taon dahil sa pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo sanhi ng pag-usbong ng panibagong variants ng COVID-19 kabilang na rito ang mas nakakahawang Omicron variant.
Schedule at mga resulta sa DPC WEU Regional Finals

Nakatakdang ganapin ang torneo mula ika-11 hanggang ika-14 ng Pebrero (oras sa Pilipinas).
Ang oras ng mga laban sa ibaba ay nakabase sa GMT+8 na time zone.
February 11/12
Upper Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Team Liquid | 2-0 | OG |
| Gladiators | 2-0 | Tundra Esports |
February 12
Upper Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Team Liquid | 2-0 | Gladiators |
February 13
Lower Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| OG | 2-1 | Tundra Esports |
Lower Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Gladiators | 2-0 | OG |
February 14
Grand Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Team Liquid | 1 – 3 | Gladiators |
Format ng DPC WEU Regional Finals

Magbabakbakan ang apat na pinakamalalakas na koponan ng rehiyon sa best-of-three matches sa ilalim ng double elimination format.
Ang Grand Final ay nakatakdang paglabanan sa isang best-of-five series.
Mga koponang kasali sa DPC WEU Regional Finals
| DPC WEU TOUR 1 DIVISION I STANDINGS | KOPONAN |
| 1st | Team Liquid |
| 2nd | Gladiators (dating kilala bilang Team Tickles) |
| 3rd | Tundra Esports |
| 4th | OG |
Prize at DPC point pool ng DPC WEU Regional Finals

Nakataya sa torneong ito ang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) at kabuuang 380 DPC points na mahalaga para makakuha ng direct invite sa The International.
| PLACE | KOPONAN | DPC POINTS | PRIZE MONEY |
| 1st | Gladiators | 250 | US$50,000 |
| 2nd | Team Liquid | 130 | US$25,000 |
| 3rd | OG | 0 | US$15,000 |
| 4th | Tundra Esports | 0 | US$10,000 |
Saan mapapanood ang DPC WEU Regional Finals

Mapapanood ang mga laro sa opisyal na Twitch channel ng DreamLeague.
Para sa mga balita at istorya patungkol sa DPC Regional Finals, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Batay ito sa artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.