Hindi maipagkakailang matagumpay ang esports career ni JerAx, lalo na’t isa siya sa mga back-to-back champions ng The International.

Higit US$5 million, o ₱263 milyon, ang kanyang napanalunan sa pag-angat lang ng Aegis of Champions noong TI8 at TI9. Pero hindi raw sa entablado ng Dota 2 world championship nangyari ang peak ng career ni JerAx kung hindi sa The Manila Major na ginanap noong 2016.

JerAx, binalikan ang kampanya sa The Manila Major kasama ang Team Liquid

Noong Manila Major daw ang peak ng career ni JerAx
Credit: PGL

Bumalik mula sa retirement ang 30-taong-gulang na manlalaro para sumali sa Evil Geniuses noong simula ng ikalawang Tour ng Dota Pro Circuit 2021-22. Naka-qualify ang koponan sa ESL One Stockholm Major, pero maaga silang na-eliminate matapos magtala ng 2-10 win-loss record sa goup stage.

Habang nasa venue ng turneo, isinama nina John “johnxfire” Nathan Fernandez at Mike “MLPDotA” Le Phoenix ang batikang manlalaro sa kanilang podcast kung saan nagbahagi si JerAx ng ilang highlights sa kanyang karera.

Nang tanungin ng Pinoy commentator tungkol sa paborito niyang alaala sa Southeast Asia, sumagot si JerAx na natatangi ang The Manila Major.

“[The] Manila Major was very exciting times,” sagot niya. “I would say it was the good times of Majors. Not to flame the nowadays ones. That was definitely the peak of my career experience, I would say.”

Dagdag niya, malaking step up daw ang The Manila Major sa paraan kung paano alagaan ang mga player, maging ang tournament venue accommodations.

“The scene started to become more professional,” aniya. “It was very noticeable, and the Filipino fans are just crazy.”

Pitong taon matapos ang The Manila Major, inalala rin ni JerAx kung gaano kalakas at ka-passionate ang Filipino fans sa event, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.



“What was most memorable were the times when you would come on to the stage, they were just screaming,” kwento niya. “They didn’t stop screaming.”

Nagsisigawan na rin daw ang mga fans para sa mga teams at players, kahit bago pa sila makarating sa main stage ng event.

Noong Manila Major daw ang peak ng career ni JerAx
Credit: Capitalist at Nahaz

Sa mga tweet, ibinahagi rin nina Alan “Nahaz” Bester at Austin “Capitalist” Walsh, na mga naging parte ng turneo, na The Manila Major ang pinakamagandang turneo na kinabilangan nila.

Matapos ang ESL One Stockholm, naghiwalay na ng landas ang batikang support player at ang Evil Geniuses. Sa ngayon, hindi pa tukoy kung ano ang susunod na hakbang sa career ni JerAx.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang simula ng Dota 2 career ni Arteezy: Pakikipaglaban kontra sa kanyang inspirasyon na si Dendi at tagumpay sa MLG Columbus