Isang tinitingalang beterano sa Dota 2 competitive scene, kakaiba ang dinadalang leadership at impact ni Chai “Mushi” Yee Fung bilang coach ng emerging Southeast Asia powerhouse team na BOOM Esports.

Ito mismo ang sinabi ng captain-hard support ng koponan na si Andrei “Skem” Ong matapos ang kanilang dominanteng 2-0 sweep laban sa OB Esports x Neon para simulan ang kanilang kampanya sa DPC SEA Tour 1 Division 1.


Skem sinabing maganda ang epekto ni coach Mushi sa BOOM Esports

Mushi at BOOM Esports
Credit: BOOM Esports

Nang tanungin sa post-match interview tungkol sa epekto ng kanilang coach na si Mushi sa BOOM Esports, positibo ang naging sagot ni Skem tungkol dito.

“It’s (improvement ng koponan) a lot on Mushi. It (epekto niya sa koponan) is massive. He helps us inside and outside the game,” ani ni Skem. (Malaking dahilan si Mushi kaya nag-improve ang team. Matindi ang epekto niya. At tinutulungan niya kami sa loob at labas ng laro.)

Tunay ngang solido ang impact ng 31-year-old Malaysian veteran sa Indonesia-based squad dahil mula noong kinuha siya ng BOOM noong Oktubre, dalawang kampeonato na ang naipanalo nito.

Naitala ng BOOM ang back-to-back championship sa BTS Pro Series Southeast Asia matapos nitong pagharian ang Season 9 kung saan nagsilbing stand-in carry si Mushi.

Bumalik sa kanyang role bilang coach si Mushi nang kumpletuhin ni Justine “Tino” Grimaldo ang koponan. Sa tulong ng six-time The International player, nasungkit ng BOOM ang ikatlong sunod na tropeo sa Mineski Masters.

Credit: Mineski

Ayon kay Skem, na kay Mushi ang huling desisyon pagdating sa draft ng koponan. Bagama’t inamin niya na nag-a-adjust pa bilang drafter ang isa sa pinakamagaling na midlaner sa kasaysayan ng Dota 2, sinabi ni Skem na buo ang tiwala nila sa kanya.

Nang tanungin din kung gagawin ba nila sa BOOM ang unorthodox drafts na ginawa nila noong parte pa sila ng Neon, sinabi ni Skem na naka-depende ito kay Mushi.

Bago pumunta sa BOOM Esports, nagsilbi na ring coach ang Dota veteran ng Mineski noong TI9 at ng TNC Predator sa TI10 SEA Qualifier.


Sunod na makakasalpukan ng BOOM Esports ang kapwa mabigat na contender sa DPC SEA Division 1 na Fnatic sa ika-11 ng Disyembre.

Matutunghayan ang laban at iba pang bakbakan sa opisyal na Twitch channel ng Beyond The Summit habang ang Filipino broadcast naman ay hinahatid ng LuponWXC sa kanilang Facebook at YouTube channel.