Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Omega Esports matapos ma-ban sa lahat ng Valve-sponsored events dahil sa matchfixing.

Ayon sa organisasyon, hindi pa raw sila nakakatanggap ng kopya ng desisyon mula sa Beyond The Summit, ang organizer ng Dota Pro Circuit League at ang naglathala ng desisyon, bagamat kanilang kinokondena ang ano mang uri ng pandaraya o pagbebenta ng laro.

“It is unfortunate that we have not yet received an official copy of the decision from the organizers of the league regarding this matter. We do not condone any form of cheating or game fixing in our organization,” sulat nito.

Omega Esports matapos ma-ban: 'We do not condone any form of cheating'

Makikipag-ugnayan din ‘di umano ang organisasyons sa lahat ng mga sangkot na kampo.


Dota 2 Omega Esports banned sa mga Valve-sponsored events dahil sa matchfixing

Omega Esports matapos ma-ban: 'We do not condone any form of cheating'
Credit: Omega Esports

Pumutok ang balita kaugnay sa ban ng Omega Esports kagabi. Inanunsyo sa social media ng Beyond The Summit ang nasabing hatol, na epektibo rin sa mga pinangalanang manlalaro.

Ang mga Dota 2 players na banned dahil sa matchfixing:

  • Dave “Hiro” Miyata
  • Prince “Prince” Daculan
  • Patt Piolo “Piolz” Dela Cruz
  • Ryniel Keit “Zenki” Calvez
  • Van Jerico “Van” Manalaysay
  • Chris Ian Francis “CTY” Maldo

Dahil dito, forfeited na rin ang slot ng Omega Esports sa DPC SEA League Division I at papalitan sila ng BOOM Esports mula Division II.

BASAHIN: Ang tatlong pinaka-importanteng pagbabago sa Dota 2 DPC sa 2022