Bahagyang pinahina sina Tinker at Dawnbreaker kasabay ng pagbalanse sa ilang netural items sa Dota 2 patch 7.30d.
Tampok sa pinakabagong update ng naturang laro ang pagbabalanse sa ilang mga hero, item, at neutral item, na napatunayang masyadong malakas noong nakaraang patch.
Ilang mga update sa Dota 2 patch 7.30d
Overwhelming Blink
- 100 + 150% strength na lang ang Blink damage, pinahina mula sa 200 +100% strength
Unang-una ay ang pagpapahina sa Overwhelming Blink. Napadalas ang pagbili nito, kahit hindi Strength hero ang gumagamit, dahil sa taglay nitong damage.
May ilang ding kaso na ginagamit ito ni Tinker na pang-spam, dahilan para tuluyang pahinain ang damage output nito.
Tumbler’s Toy
- 20 segundo na ang cooldown, pinabilis mula sa 30 segundo.
- Hindi na pwede i-cast pag naka-root o naka-leash ang may-ari.
Bagamat hindi na masama para sa early game ang +200 mana na ibinibigay ng Tumbler’s Toy, tila underwhelming naman ang active ability nitong Vault.
Sinubukan itong ayusin ng Valve sa pagpapa-iksi ng cooldown ng naturang Neutral Item. Binalanse rin nila ito gaya kung paano gumagana ang mechanic ng ibang mobility item na hindi maaari gamitin kung naka-root o naka-leash.
Clinkz
Burning Barrage
- 65% damage na ng attack damage ang kinukuha, pinataas mula 60%,
- Talents: Level 20 talent +3 Burning Barrage Arrows, pinataas mula sa +2
Halo-halo ang naging reaksyon sa naging rework sa Strafe ni Clinkz matapos itong gawing Burning Barrage. Sa kabila ng mataas na win rate na naitala nito bago ma-nerf noong nakaraang patch, bahagya pa rin pinalakas ni Valve ang naturang hero.
Ang Dota 2 patch 7.30d ang ikalawang sunod na patch na sinubukan balansehin ni Valve si Clinkz.
Dawnbreaker
Starbreaker
- 20/30/40/50 na lang ang attack damage bonus ng swipe, pinahina mula sa 25/35/45/55
- 30/60/90/120 na ang attack damage bonus ng smash, ni-rescale mula sa 40/65/90/115
Celestial Hammer
- 24/28/32/36% na ang slow, ni-rescale mula sa fixed amount dati na 35%
Marami ang nagulat nang i-enable sa Captain’s Mode si Dawnbreaker nang hindi man lang ito ni-ne-nerf ng Valve. Bagamat hindi naman sagaran ang pagka-overpowered ng pinakabagong hero, napatunayan pa rin sa ilang professional matches na kailangan pahinain ang Starbreaker nito.
Tinker
Rearm
- 150/225/300 na ang mana cost, pinataas mula sa 130/210/290
Heat-seeking Missile
- 115/190/265/340 na ang damage kada rocket, pinahina mula sa 125/200/275/350
Inasahan ang pangingibabaw ni Tinker paglapag pa lang ng Dota 2 patch 7.30. Malaking bagay ang naging update sa kanyang ultimate, ngunit sa kabila nito, ngayong update lang na-nerf ang ilan sa kanyang skills.
Magandang bagay ito lalo na kung ang Dota 2 patch 7.30d na ang patch na lalaruin sa The International 10.
Matatagpuan ang buong listahan ng pagbabagong hatid ng Dota 2 patch 7.30d dito.