Maglalaro si Jonáš “SabeRLight-” Volek ng TSM FTX bilang stand-in player ng Entity sa PGL Arlington Major 2022 dahil hindi makakapunta ang kanilang hard carry na si Ivan “Pure” Moskalenko.
Inanunsyo ng Entity kamakailan sa pamamagitan ng isang tweet na na-deny ang US visa application ni Pure kaya napilitan silang maghanap ng substitute.
Dahil gaganapin ang Major sa North America, isa sa mga pinakamalakas na koponan sa rehiyon na hindi nakapasok sa torneo ay ang TSM FTX kaya inasahang magiging in-deman sila sa mga koponang mangangailangan ng sub.
Kinumpirma sa isang Telegram message mula kay captain-hard support Dzmitry “Fishman” Palishchuk na magsisilbing stand-in ng koponan ang 21-year-old offlaner na si SabeRLight- sa Arlington.

Gayunpaman, kahit manalo pa ang Entity sa huling Dota 2 Major ng taon ay hindi sapat ang malilikom nilang Dota Pro Circuit (DPC) points para makakuha ng direct invite sa The International 11. May 100 DPC points lang ngayon ang koponan at kung sakaling manalo sila ay magiging 920 ito, kapos pa rin sa kasalukuyang lowest possible threshold na 940.
Asahan na pwedeng mag-eksperimento ang DPC Western Europe Tour 3 Division 1 4th-placer bilang paghahanda para sa The International 11 Regional Qualfiers.
Dual offlaners strat ibibida ng Entity kasama si SabeRLight-

Interesadong makita ang isang offlaner na mag-i-stand-in para sa isang position 1 lalo pa’t may unique playstyle ang koponan na natulungan silang ma-secure ang Arlington Major slot mula sa DPC Regional League.
May malawak na hero pool si Pure na kinabibilangan ng ilang unconventional picks. Karaniwang pinipili sina Terrorblade at Sniper para sa kanya pero kaya niya ring maglaro nang mas agresibo sa pamamagitan ng paggamit ng tradisyonal na offlane heroes gaya nila Necrophos at Doom.
Mukhang ang pagkuha kay SabeRLight- ay parehong dahil sa availability at senyales sa playstyle na ipapakita ng Entity sa Major.
Para sa Dota 2 at Arlington Major updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.