Si Martin “Saksa” Sazdov ang bagong soft support player ng Tundra Esports, anunsyo ng organisasyon sa kanilang social media.

Pinalitan ng tubong Macedonia ang dating kapitan ng koponan na si Adrian “Fata” Trinks. Isa si Fata sa mga founding members ng koponang naunang nakilala bilang mudgolems. Sa ilang posts, isiniwalat niyang “[players’] decision” ang pagkakasipa niya sa Tundra Esports.

Para naman maisa-ayos ang pagpasok ni Saksa, lumipat sa hard support position si Jingjun “Sneyking” Wu, at siya na rin ang tatayong kapitan ng koponan.


Saksa pasok sa bagong Dota 2 roster ng Tundra Esports

Saksa kinumpleto ang Tundra Esports; Sneyking captain na
Credit: Tundra Esports

Huling naglaro si Saksa para sa OG simula noong Enero 2020 hanggang Nobyembre 2021. Natulungan niyang makamit ng koponan ang 7th-8th place noong The International, bago mag-invest sa mas batang roster ang organisasyon pagpasok ng bagong season.

Sa kabila ng mga bali-balita ukol sa pagsali niya sa Alliance, kapansin-pansin na walang koponan ang nag-recruit sa manlalaro nang magsimula ang unang tour ng Dota Pro Circuit 2021-2022.

Samantala, ang sinalihang koponan naman ni Saksa ay nagtapos sa ikatlong puwesto sa nasabing paligasahan. Sa kabila ng mababang resulta sa DPC WEU Regional Final, mananatili pa rin naman sila sa Division 1 ng Western Europe papasok sa Tour 2.


Dota 2 roster ng Tundra Esports para sa DPC WEU Division 1 Tour 2

(1) Oliver “skiter” Lepko
(2) Leon “Nine” Kirilin
(3) Neta “33” Shapira
(4) Martin “Saksa” Sazdov
(5) Jingjun “Sneyking” Wu
(Coach) Kurtis “Aui_2000” Ling


Inaasahan ang unang pagsabak ng bagong Tundra Esports sa Gamers Galaxy Invitational, isang Dota 2 tournament na gaganapin sa Dubai. Tampok sa limang araw na LAN event ang paglalaban-laban ng 10 sa pinakamalalakas na koponan sa mundo para sa pinakamalaking bahagi ng US$272,000 (PHP 13 milyon) na prize pool.

Nakatakda naman ganapin ang ikalawang tour DPC WEU simula sa ika-15 ng Marso hanggang sa ika-20 ng Abril.

BASAHIN: Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals