Sawa ka na ba sa mga Charge of Darkness mula kay Spirit Breaker, Meteor Hammer combo mula kay Outworld Destroyer at sa existence ni Tinker? Huwag mag-alala dahil may opsiyal na release date na ang Dota 2 patch 7.31.
Ang Dota 2 patch 7.31 ay ilalabas sa ika-23 ng Pebrero pagkatapos ng DPC Regional Finals at Aghanim’s Battle Pass.
Ilalabas ang Dota 2 patch 7.31 sa pagtatapos ng DPC Regional Finals

Ang DPC Winter Tour Regional Finals ay gaganapin sa loob dalawang weekends: mula ika-11 hanggang ika-13 ng Pebrero sa Southeast Asia, Western Europe at South America, mula ika-18 hanggang ika-20 sa China, Eastern Europe at North America. Ang top four teams sa Division 1 ng bawat rehiyon ay maglalaban sa isang double-elimination bracket para sa lion’s share ng US$100,000 (mahigit P5 milyon) prize pool at 380 DPC points.
At dahil walang post-The International patch dahil sa pagka-delay ng TI10 at mabilis na pagsasagawa ng Dota Pro Circuit, inaasahang magdadala ng malalaking pagbabago ang Dota 2 patch 7.31 sa laro.
Available ang Battle Level Bundle hanggang ika-9 ng Pebrero

Kasabay ng pag-anunsyo ng release date ng Dota 2 patch 7.31, inilahad din ng Valve ang Battle Level Bundle para sa Aghanim’s Battle Pass.
Ang mga Battle Pass owners ay pwedeng bumili ng dalawang Battle Level Bundles. Bawat isa nito ay mayroong 60 levels, tatlong Immortal Treasures, tatlong Continuum Collection Treasures at tatlong Ageless Heirloom Treasures sa presyong US$14.99 (halos P800).
Ito ay pwedeng bilhin hanggang Miyerkules, ika-9 ng Pebrero bago ito tanggalin sa store.
Salin ito ng artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.