Lilipat ang T1 Dota 2 team sa Pilipinas ayon sa CEO ng organisasyon na si Joe Marsh.
Ang desisyon na ‘to ay nabuo matapos ang insidente noong grand final ng Dota Pro Circuit Southeast Asia (DPC SEA) Regional Finals kung saan nabigong makapaglaro ni ng kanilang midlaner na si Karl Matthew “Karl” Baldovino dahil sa problema sa internet.
Ayon sa tweet ni Marsh, magpapakabit daw sila ng “business” internet paglipat sa Pilipinas, ang bansa kung saan galing ang tatlo sa kasalukuyang players nito.
“When the guys play in the same area, they are a different beast,” Tweet ni Marsh. “Next DPC should have a different outcome.”

T1 Dota 2 team nakatanggpa ng penalty dahil sa sobrang stand-ins
Dahil hindi makapaglaro si Karl noong ika-apat na mapa ng serye, kung kailan dehado ang T1 sa iskor na 1-2, nagkumahog ang koponan para makuha si Mc Nicholson “Lelouch-” Villanueva ng Polaris Esports, bilang stand-in. Gayunpaman, ‘di ito naging sapat para mapigilan ang BOOM Esports na makuha ang kampeonato.
Dahil naunang ipasok ng T1 si Kim “Gabbi” Santos bilang stand-in, nakatanggap ng dalawang magkahiwalay na 40% DPC points deductions ang organisasyon. 46.8 DPC points lang ang kanilang nalikom matapos ma-uwi sa ikalawang puwesto ang kanilang kamapnya, imbis na 130.
Kumpirmado na ba si Gabbi bilang ang bagong miyembro ng T1?
Sa parehong tweet, tinag ni Marsh ang Pinoy na carry, na marahil ay nagpapahiwatig sa pagkaka-involved nito sa future plans ng T1 Dota 2 team.
Umugong ang mga agam-agam patungkol sa desisyon ng T1 na palitan ang carry nila noon na si Nuengnara “23savage” Teeramahanon pagkatapos ng unang tour ng DPC 2021-2022 Division 1. Ang two-time The International winner na si Anathan “ana” Pham pa nga ang hinuha ng karamihan, pero inanunsyo ng koponan ang pag-stand-in ni Gabbi ilang araw bago ang DPC SEA Regional Finals.
Bago ang ikalawang Tour ng DPC SEA, sasabak din ang T1 Dota 2 team sa Beyond the Summit Pro Series 10, na nakatakdang iraos simula ika-14 ng Pebrero hanggang ika-anim ng Marso.
Roster ng T1 Dota 2 team para sa BTS Pro Series 10
- (1) Kim “Gabbi” Villafuerte
- (2) Karl “Karl” Matthew Baldovino
- (3) Carlo “Kuku” Palad
- (4) Kenny “Xepher” Deo
- (5) Matthew “Whitemon” Filemon
- (coach) Park “March” Tae-won
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: miCKe ng Team Liquid, nagtala ng 26-0-32 KDA kontra OG sa DPC WEU Regional Finals