Nagsagawa ng isang Valve-approved roster ang Team Secret sa kalagitnaan ng Dota Pro Circuit 2021/2022 Western Europe Tour 3.

Ito ay dahil magpapahinga muna si Yazied “YapzOr” Jaradat mula sa professional Dota 2 para pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan, ayon sa anunsyo ng koponan. Isang beses lang nakapaglaro ang 27-taong-gulang na manlalaro at ito ay noong tinalo sila ng OG sa unang serye ng gumugulong na tour.

Para punan ang puwang na maiiwan ni YapzOr, ipinakilala ng Team Secret si Baqyt “Zayac” Emiljanov, na matagal-tagal na ring naglalaro bilang stand-in para sa koponan, bilang ang bago nilang position-four support player.

YapzOr break muna sa pro Dota 2 para magpagaling; Zayac ipinalit ng Team Secret
Credit: Team Secret

Bagong roster ng Team Secret para sa DPC 2021/2022 WEU Tour 3

  • (1) Remco “Crystallis” Arets
  • (2) Michal “Nisha” Jankowski
  • (3) Daryl “iceiceice” Koh
  • (4) Baqyt “Zayac” Emiljanov
  • (5) Clement “Puppey” Ivanov

Ang paglisan ni YapzOr sa koponan ay tanda ng ikalawang roster change ng Team Secret ngayong taon, matapos ang pag-alis ni Syed “SumaiL” Hassan noong Mayo.

Sa kasalukuyan, naka-upo ang koponan sa ikalimang puwesto ng standings nang may 3-3 record, matapos talunin ang Gaimin Gladiators. Gayunpaman, hindi pa rin magandang posisyon ito para maka-qualify ang koponan sa Arlington Major.

YapzOr break muna sa pro Dota 2 para magpagaling; Zayac ipinalit ng Team Secret
Credit: Valve

Bagamat hindi tiyak kung gaano katagal hahalinhin si Zayac para kay YapzOr, nangangahulugan ang pag-aprub ng Valve sa mid-season roster change na hindi basta-basta ang sitwasyon. Hindi malabo na ito rin ang roster na paliparin ng koponan kung sakaling makapasok sila sa nasabing Major o sa The International 11.

Sa ngayon, nasa ika-28 puwesto ang Team Secret sa DPC 2021/2022 rankings. Importante ang makukuha nilang points sa Major para maging directly qualified sa Dota 2 world championship. Kung hindi, kailangan nilang dumaan sa regional qualifier o sa wild card para mapanatili ang perfect attendance ni Puppey sa The International.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2