Pormal nang namaalam ang European esports organization na Team Secret sa hard carry player na si Syed “SumaiL” Hassan.

Ang desisyon ay ginawa matapos mabigo ng team na makakuha ng magandang resulta sa 2021-2022 DPC season.

Team Secret namaalam na kay SumaiL

Team Secret SumaiL
Credit: Team Secret

Pumasok ang Team Secret sa 2021-2022 season matapos kumuha ng dalawang dekoradong players, ang dating TI5 champion na si SumaiL at ang Evil Geniuses offlaner na si Daryl “iceiceice” Koh.

Ang dalawang beteranong players ang pumalit kina Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen at Ludwig “zai” Wahlberg, na umalis sa opisyal na roster ng Secret sa offseason matapos makuha ng team ang third place sa The International 10.

Nagsikap ang bagong roster na makasabay sa mga teams sa Western European region. Nagtapos ang Secret sa ikalimang pwesto sa DPC Tour 1 at 2, kung kaya’t hindi sila nakapasok sa mga Dota 2 Major events sa 2022. Hindi rin naging maganda ang resulta ng Secret sa international scene, kung saan nagtapos sila sa joint-fifth sa Gamers Galaxy Dubai.

Ang mga paghihirap na kinaharap ng roster ay nagmula sa panloob nilang problema na kinumpirma at tinugunan ng kanilang team captain na si Ivanov “Puppey” Clement sa pormal na pahayag ng Secret.

Team Secret Puppey Roster Change
Credit: Team Secret

“This iteration of Team Secret has always had issues,” sabi Puppey. “We were trying to resolve problems with role swapping or finding a better philosophy to play the game, but ultimately we couldn’t achieve consistency and fell flat.”

Nakatuon pa rin ang focus ng Secret sa hinaharap ng team, at layunin pa rin nilang makakuha ng magandang run sa parating na DPC Tour 3 sa pag-asang makapasok sa The International 11.

“When things don’t work out, it’s best to just move on, said Puppey. “Change is a reliable pursuit towards progress. No hard feelings.”

Si SumaiL ay isa na muling free agent sa ngayon, subalit wala pa ring ulat sa kung saan siya lilipat. Ganun din naman sa Team Secret, na kasalukuyang naghahanap ng hard carry player, at may bali-balitang nag-uugnay sa kanila kay Arets “Crystallis” Remco, ang 20-anyos na position one ng Entity Gaming.

Team Secret Dota 2 roster

  • (2) Michał “Nisha” Jankowski
  • (3) Daryl “iceiceice” Koh
  • (4) Yazied “YapzOr” Jaradat
  • (5) Clement “Puppey” Ivanov

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.