Salpukan sa pagitan ng magkapatid na sina Yawar “YawaR” Hassan at Syed Sumail “SumaiL” Hassan ang masasaksihan sa ikalawang araw ng The International 10 Main Event.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maghaharap sa Dota 2 world championship ang magkapatid na Yawar at SumaiL. Naging posible ito matapos malaglag ang OG kagabi sa lower bracket at ang ma-ungusan ng Quincy Crew sa unang round ng elimination match ang Team Aster.

Credit: ONE Esports

Head-to-Head: YawaR at SumaiL

Head-to-Head: YawaR at SumaiL
Credit: Valve at OG

Bagamat hindi ito ang unang beses na kalahok sa Dota 2 world championship ang dalawang manlalaro, ito naman ang unang beses na parehong carry role ang nilalaro ng magkapatid.

Matatandaang kinuha ng OG si SumaiL bago simulan ang kanilang kampanya sa TI10 Western Europe Qualifier para palitan ang nagretirong si Anathan “ana” Pham.

Samantala, hindi naman na umalis si YawaR bilang carry ng Quincy Crew, simula noong na-disband ang Chaos Esports Club noong 2020.

Bagamat lamang lang ng isang laro si SumaiL kumpara sa kanyang kuya ngayon sa TI10, ‘di hamak na mas mataas ang stats ni “King SumaiL” lalo na pag dating sa kills.

The International All-Time Kill Leaders
Credit: Valve

May average 9.33 kills at 6.94 assists, kontra 3.44 deaths ang naturang OG carry, kumpara sa average 5.06 kills at 8.18 assists, kontra 2.94 deaths ng Quincy Crew player.

Pumalo rin sa 32,137 ang average hero damage ni SumaiL sa kabuuan ng kanilang kampanya sa turneo, habang 26,250 lang ang kay YawaR.

Pagdating naman sa unique heroes, parehong 10 heroes pa lang ang nagagamit nina YawaR at SumaiL sa TI10.

Kaya’t kung stats lang ang pagbabasihan, ‘di malabong asahan ang pangingibabaw ni SumaiL sa mas nakakatanda niyang kapatid.


Sa kasamaang palad, dahil sa ikalawang round ng lower bracket magtatagpo ang Quincy Crew at OG, isang Hassan lang ang mabibigyan ng pagkakataon na magpatuloy sa turneo.

TI10 Main Event Day 2 Schedule
Credit: Wykrhm Reddy

Ang matatalo sa best-of-three, na idadaos sa ganap na 12:00 a.m. ng ika-14 ng Oktubre, ay mapipilitang mag-settle sa 9th-12th place at mag-uuwi ng USD$800,400 o mahigit PHP₱40 million pesos.

Sino kaya ang magwawagi sa harapan nina YawaR at SumaiL? Alamin ‘yan sa opisyal na Filipino broadcast ng The International 10 hatid ng LuponWXC sa kanilang TwitchYouTube at Facebook platforms. 

Subaybayan ang mga kaganapan sa TI10 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.