Maraming pagbabago ang inilatag ng Riot Games para sa Baron sa League of Legends.

Matapos ang huling Baron update noong 2014, nabigyan ng visual at gameplay revamp sa preseason 2024 ang pinakamalaking monster sa Rift.

Kung dati ay single monster lamang ito, ngayon ay may tatlong porma na, na nakadepende sa kung anong uri ng terrain ang matatagpuan sa paligid nito sa itaas na bahagi ng mapa.

Bilang resulta, kinakailangan na ngayong ng players ng late game strategies kung susubukang kuhanin ang objective na lalabas sa ika-20 minuto ng laro.



Magbubunsod ang bagong Baron update ng pagbabago ng atake sa League of Legends

Sa inilabas na Baron update sa preseason 2024, magkakaroon na ng tatlong uri ang objective: Territorial Baron, Hunting Baron, at All-Seeing Baron.

Madali namang makita kung anong variant ang nasa pit. Bukod dito, magkakaiba din ang atake na kayang gawin ng bawat form.

Bagamat malaki ang kaibahan matapos ang Baron update, pareho pa rin ang makukuhang benepisyo kapag napatay ito. Makakatanggap parin ng standard Hand of Baron kapag napatay ito ng iyong team, kahit ano pang variant ito.

Bukod dito, makakatanggap pa rin ang team ng 180-second buff na may kaakibat na bonus attack damage, bonus ability power, empowered recall at ura na nagpapalakas sa minions.

Territorial Baron

Baron update: Normal Baron in League of Legends
Credit: Riot Games

Gumagawa ang Territorial Baron ng isang wall sa harap ng pit at ginagamit ang kaniyang mga kamay para hilahin ang champions papunta sa kaniya.

Hunting Baron

Baron update: Normal Baron in League of Legends
Credit: Riot Games

Hindi nagbabago ang Hunting Baron kahit lumabas ng pit. Area-of-Effect na lightning attacks ang kayang ibato ng monster sa pormang ito.

All-Seeing Baron

Baron update: Tunnel Baron in League of Legends
Credit: Riot Games

Sinasardo ng All-Seeeing baron ang harapan at binubuksan ang dalawang side para makagawa ng isang tunnel. Nagbubukas din ito ng Void Rift na nagpapkawala ng damage over time sa tunnel pit.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa LoL, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng League of Legends Worlds winners