Siguradong magugustuhan mo ang bago at pinabuting Rift Herald sa preseason 2024 ng League of Legends.

Ang kasalukuyang Herald ay medyo kulang sa dating. Madalas natin itong makita sa pro play kung saan nagpapasya ang mga koponan na labanan ito sa early to mid game bago dumating ang Baron.

Kapag nakuha na ang Eye of the Herald, ang player na nakakuha nito ay nakakatanggap ng empowered recall at kakayahan na i-summon ang monster upang mag-push sa isang lane.

Sa bagong season, na may kasamang maraming iba pang pagbabago, hindi lamang siya bibigyan ng bagong anyo, kundi pati na rin ng mas interactive na paggamit.



Ang bagong Rift Herald ay nagbibigay ng kakayahang makontrol ang tempo sa League of Legends preseason 2024

Apektado ng preseason void changes ang lahat nang major monsters sa mapa.

Ang unang Rift Herald ay pinalitan ng Voidgrubs, isang bagong objective sa early game, kaya asahan na lalabas ang Herald pagkatapos nito.

Kapag na-takedown na siya tulad ng karaniwan at nakakuha ng Eye, maaari na siyang i-summon — pero may mga karagdagan nang effect: pwede nang i-right-click ang Rift Herald at sumakay dito ang user o isang kaalyadong champion.

Pagkatapos, makakakontrol ng player sa Herald at gamitin ito upang umatake, Nagdudulot ng damage at knock up sa sinumang kalabang champion na mababangga.

Kung ipinu-push ng mga player ang Rift Herald patungo sa isang turret, magbibigay ito ng mas malaking damage kaysa kung ang Rift Herald ay umatake rito nang hindi kontrolado.

Pagkatapos mabangga sa terrain o isang turret, ang champion na nakasakay sa Rift Herald ay matutumba at babalik sa mapa sa orihinal nitong anyo.

League of Legends Rift Herald in preseason 2024 aggro view
Credit: Riot Games, ONE Esports

Ang mechanic na ito ay katulad ng ultimate ni Johnson sa Mobile Legends: Bang Bang. Tinatawag na Full Throttle, ang tank support hero ay nagiging sasakyan na umaarangkada patungo sa mga kalaban. Ang kahit na sino sa kanyang team ay pwedeng sumakay para sumama sa pag-atake.

Kapag ang sasakyan ay bumangga sa kalaban o anumang sagabal, nagdudulot ito ng damage, nang-iistun ang mga kalaban, at lumilikha ng isang damaging zone.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: LoL Worlds Winners sa mga nagdaang taon