Ang Turtle ay isa sa mga pinakamahalagang objective sa Mobile Legends: Bang Bang, lalo na sa unang bahagi ng laro.

Kilala rin ito bilang Dragon Turtle o Cryoturtle depende sa estilo ng mapa, at ito’y lumalabas sa unang dalawang minuto ng laro, at muling nagpapakita dalawang minuto matapos itong mapatay. Hindi na ito sumusulpot pagkatapos ng walong minute sa game.

Matatagpuan ito sa isa sa dalawang pit sa river area. Ang unang lokasyon nito ay malapit sa EXP lane, habang ang pangalawang pag-summon nito ay sa random na lokasyon.

Sa kabutihang palad, maaari mong malaman ang lokasyon ng summon at ang countdown dahil ito’y nakapakita sa minimap.


Kahalagahan ng pag-secure ng Turtle sa MLBB

Mobile Legends: Bang Bang jungle creep Turtle three types
Credit: ONE Esports

Ang pagpatay sa Turtle ay nagbibigay ng malalaking benepisyo hindi lamang sa player na nakakuha ng pag-patay kundi pati na rin sa buong koponan.

Para sa matagumpay na nakapatay dito, bibigyan siya ng shield at boost sa physical attack at magic power, na mananatili hanggang maubos ang shield. Manunumbalik ang shield kung magawa mong hindi magtamo ng anumang damage sa loob ng limang segundo.

Kung ikaw ay jungler, ang mga buffs na ito ay makakatulong sa pag-clear ng mga creeps nang mas mabilis kaysa sa iyong kalaban, nagbibigay ito ng kalamangan sa aspeto ng farm at pagkuha ng mga item. Bukod dito, ang mga benepisyong ito ay nagpapalakas sa iyong kakayahan upang makagawa ng epektibong ganks.

Bukod pa rito, ang mga kasamahan mo ay tatanggap ng mas mababa subalit mahalagang shield na isang beses lang magagamit. Ang shield na ito ay makakatulong sa kanila na depensahan ang kanilang mga lane at maiwasan ang mga unnecessary deaths.

Bukod pa rito, ang pag-patay sa Turtle ay nagbibigay ng gold at experience points sa buong koponan na nagpapalakas ng inyong progresyon patungo sa mid-game.

IBA PANG MLBB GUIDES
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB

Mga tips para ma-secure ang Turtle

1. Hanapin ang tamang posisyon bago sumulpot ang Turtle

Upang masigurong may strategic advantage kapag sumulpot ang Turtle, mahalaga na ikaw at ang iyong koponan ay pumosisyon malapit sa pit ilang segundo bago ito sumulpot.

Kung ikaw ay jungler, iposisyon ang sarili kung saan maaari mong abutin ang special monster gamit ang iyong basic attacks at skills.

Kung ikaw ay EXP laner, mahalaga na makakuha ka ng ultimate skill bago ang unang pag-summon ng Turtle. Gamitin ito upang i-zone out ang mga kalaban, lalo na ang kalaban na jungler.

Kung ikaw ay mid laner-mage, magtago sa malapit na bushes o sa likod ng mga kakampi para makapagtapon ng iyong damage spells nang ligtas at i-zone out ang mga kalaban.

Kung ikaw ay roamer-tank, aktibong i-facecheck ang mga bushes at i-disrupt ang kalaban na jungler sa abot ng iyong makakaya. Kung ikaw naman ay roamer-support na may healing abilities, iposisyon ang sarili sa likod ng iyong jungler para magbigay tulong habang sinisigurado ang iyong kaligtasan.

MPL PH Season 11 grand finals ECHO vs Blacklist International Game 2 first Turtle fight
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Sa huli, kung ikaw ay gold laner, maingat na suriin kung kinakailangan ang iyong tulong sa pag-atake ng Turtle. Mahalaga ang pagkakabalanse ng potensyal na panganib sa pag-iwan ng iyong lane laban sa benepisyo ng pag-kuha ng objective.

Kung napagpasyahan mong tumulong, hanapin ang ligtas na posisyon malapit sa Turtle kung saan maaari kang magbigay ng damage habang nama-maximize ang iyong attack range, siguraduhin ang iyong kaligtasan, at i-minimize ang panganib ng pagkawala ng mahalagang farm sa iyong lane.

2. I-lure ang Turtle palabas ng pit

Mobile Legends: Bang Bang Turtle guide-movement range indicator
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Ang pag-lure ng Turtle palabas ng pit ay nagbibigay sa iyo ng strategic advantage laban sa kabilang koponan.

Ang movement range ng pagong ay malalaman sa pamamagitan ng isang bilog na guhit, na nagpapahintulot sa iyo na i-lead ito patungo sa panig ng inyong base.

Upang ma-lure ang Turtle, simulan ang pag-atake dito at unti-unti itong i-maneuver patungo sa labas ng pit. Maaaring kailanganin mong tamaan ito paminsan-minsan para mapanatili itong aggro.

Ngunit mag-ingat na huwag mong ilayo ito nang labis. Kapag ganito, maaaring bumalik ito sa orihinal na posisyon at mag-reset ng health.

Kung kinakailangan ng iyong jungler na mag-prioritize ng purple o orange buff, maaari ring tumulong ang roamer o EXP laner ng inyong koponan sa pag-lure ng Turtle.

3. Gamitin ang Retribution sa tamang sandali

Bilang jungler, mahalaga ang tamang panahon sa paggamit ng Retribution battle spell. Kahit na maaga kang pumosisyon at matagumpay mong na-lure ang Turtle, may mga sitwasyon kung saan maari pa rin itong nakawin ng kalaban na jungler gamit ang isang mabilis na hero at perpektong timing ng Retribution.

Ngunit may mga palatandaan na makakatulong sa iyo na malaman ang tamang oras na gamitin ang Retribution.

Habang tinatamaan ang Turtle, maaari mong makita ang isang pulang guhit sa kaliwang bahagi ng kanyang HP bar. Kapag umabot ang HP ng monster sa linyang ito, magkakaroon ng pulang marka ang icon ng halimaw sa pinakakaliwang bahagi ng kanyang HP bar. Ito ay nangangahulugan ng tamang oras para i-trigger ang Retribution at i-secure ang objective.

Mobile Legends: Bang Bang Turtle guide-Retribution indicators
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Ngunit kung ang iyong Retribution ay nasa cooldown, hindi magpapakita ang palatandaang ito. Sa ganitong mga sitwasyon, mainam na maging pasensyoso at hintayin ang iyong battle spell na maging available muli, lalo na kung ang kalaban ay handa sa pag-contest ng Turtle.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: MLBB 101: Ang EXP laner role, mga dapat gawin, at mga hero na swak dito