Gaano kahalaga ang mga malalakas na early game heroes sa Mobile Legends: Bang Bang?

Madalas, ang mga bihasa at professional players sa MLBB ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng early game sa pagtukoy ng resulta ng isang laban.

Ang pagkuha ng kalamangan sa yugto na ito ay nagbibigay daan sa mga players na magdikta ng tempo ng laro sa loob ng unang limang minuto, na nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng malaking lamang laban sa mga kalaban habang tumatagal ang laro.

Upang magtagumpay sa early game, mahalaga na pumili ng mga hero na malakas kahit wala pa ang kanilang mga core items.

IBA PANG MLBB GUIDES
RG Guide: Paano gamitin ang Mid Lane Pharsa, items, skills, etc
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
Heto ang tips ni M4 world champion ECHO SanFord para sa EXP laners
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Gamitin ang tatlong early game heroes na ito kung nais mong dominahin ang ranked

Bruno

Bruno is considered as one of the strongest early game heroes

Si Bruno ay isa sa mga pinakamatinding early game heroes sa Mobile Legends.

Ang kanyang Mecha Legs passive ay nagbibigay ng 20% chance sa critical hit, na pinapayagan siyang magbigay ng malakihang damage kahit walang crit chance items sa laning phase.

Dagdag pa sa kanyang lakas sa early game, ang first skill ni Bruno, ang Valley Shot, ay nagpapalakas pa lalo ng kanyang mga basic attacks. Ang skill na ito ay hindi lamang nagpapataas ng damage kundi may potensyal ding madaling mapatumba ang mga kalaban, lalo na kapag ang kanyang passive ay nasa full stacks.

Hilda

Credit: Moonton

Si Hilda ay magaling bilang isang roaming hero, lalo na laban sa mga jungle assassin na kalaban.

Ang kanyang lakas ay matatagpuan sa Blessing of the Wilderness, ang kanyang passive ability na nagbibigay ng healing at shield kapag siya ay nasa bush. Ang natatanging trait na ito ay nagbibigay-lakas sa kanya na mag-invade sa enemy jungle nang madali, na nakakagambala sa rotation ng kalaban na mga assassin junglers.

Dagdag pa sa kanyang pagigign mabisa ay ang ng second skill ni Hilda na ang Art of Hunting ay nagdudulot ng malaking damage kahit sa level one pa lang.

Sa isang maayos na koordinadong team, kaya niyang makuha ang first blood nang madali, na nagbibigay ng malaking early game advantage.

Ang kanyang natural na kalakasan at malakas na kapasidad sa damage bago mag-level four ay nagtatakda sa kanya bilang isa sa mga pinakamatindi sa mga offensive roamers sa laro.

Natalia

Mobile Legends: Bang Bang assassin hero Natalia
Credit: Moonton Games

Si Natalia ay magaling bilang isang roamer dahil sa kanyang Assassin Instinct passive, na nagbibigay ng invisibility na nagpapahirap sa enemy team na madetect ang iyong presensya.

Ito ay lalong nagbibigay ng kalamangan kapag kinakalaban ang mga vulnerable junglers o immobile gold laners. Kaya ni Natalia na mabilisang pumitas ng mga target at makatakas bago pa man makapag-counter o maipagtanggol ng enemy team ng kanilang mga carries.

Ang kanyang second skill na Smoke Bomb ay nagdaragdag sa kanyang kakayahan na mag-survive sa pamamagitan ng pagbibigay ng immunity sa basic attacks sa loob ng apat na segundo.

Para sa mga players na gusto ng aggressive, stealthy playstyle na nakatuon sa pag-invade sa enemy jungle at pagsugpo ng backline threats nang maingat, si Natalia ay isang optimal pick.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kontrahin si Julian sa Mobile Legends gamit ang 3 heroes na ito