Nakatutok ang atensyon ng marami sa mga pangyayaring pumapalibot sa EVOS Legends dahil sa pag-anunsyo nila ng kanilang bagong player na si Gerald “Dlar” Trinchera.

Ang Filipino EXP laner star ang minamatang papalit kay Maxhill “Antimage” Leonardo sa White Tigers squad.

Ngunit hindi bumaba ang kalidad ng laro ni Antimage nitong nakaraang season, at ito ang dahilan ng maraming katanungan kung bakit papalitan ang player.

Ibinahagi ng EVOS Legends manager ang kanyang pananaw kay Antimage

Aji EVOS Legends Manager
EVOS Legends Team Manager l Credit: Instagram/Aji Wicaksono

Sa nakaraang livestream ni Aldean Tegar “DeanKT” Gemilang, kinausap niya ang EVOS Legends team manager na si Aji Wicaksono.

Inihayag ni Aji na mahusay si Antimage sa laro. Ang kanyang pambihirang husay at kahandaang magbahagi ng game knowledge ang dahilan kung bakit karapat-dapat siyang ipangtapat bilang pangontra kay Rivaldi “R7” Fatah ng RRQ Hoshi.

“For in-game, Antimage is the top player in Indonesia and a captain who also often shares knowledge, arguably eleven-twelve with R7.”

Ngunit ibinahagi rin ni Aji ang mga akkulangan ni Antimage sa labas ng laro, kabilang na dito ang kanyang pagiging introvert na dahilan kung bakit bihira siyang makisama sa nga kapwa niya EVOS players.

“But out of the game, he’s introverted and lacks blending. More in the room do live streams,” paliwanag ni Aji.

EVOS Legends Farewell Antimage LJ
Credit: EVOS Esports

Bukod kay Antimage, nagbigay din ng komento ang manager patungkol sa isa pang malaking player na mawawala sa roster, si Joshua “LJ” Darmansyah. Ang beteranong roamer ay inilarawan bialng palakaibigan at laging nagbibigay ng payo sa mga EVOS staff.

“LJ is a humble person, he also often gives advice to his colleagues. Unfortunately, LJ has been unable to develop as a player,” sabi niya.

*

https://youtu.be/W9mcrMoD5Fg

*

Ano sa tingin niyo? Ang kakulangan ba ni Antimage ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa EVOS Legends roster?

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.