Ang pagtatapos ng isang panahon.

Inanunsyo ng EVOS Legends ang pag-alis ng mga beteranong players na sina  Muhammad “Wannn” Ridwan, Ihsan Besari “Luminaire” Kusudana, and Gustian “REKT”, inanunsyo ng organisasyon sa YouTube noong nakaraang linggo.

Ang tatlo ay matagal nang mga miyembro ng EVOS at naging bahagi ng roster na nagwagi sa kauna-unahang M1 World Championship noong 2019. Ang anunsyo ay lumabas ilang araw matapos ihayag ng organisasyon ang kanilang lineup para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID Season 10) na magsisimula nagyong August 12.

EVOS Legends lalaban nang wala sina REKT, Luminaire, at Wannn sa unang pagkakataon sa MPL Indonesia

M1 World Championship EVOS Legends Wannn REKT Luminaire
Credit: Moonton

Sa video, ginunita ng tatlo ang kanilang pinakamasasayang alaala sa squad at pinasalamatan ang mga fans sa pagsuporta sa kanila sa kahabaan ng kanilang mga careers. Ang bawat isa ay nagbigay din ng kani-kanilang mga dahilan kung bakit lilisanin na nila ang professional scene.

Sinabi ni Wannn na aalis siya sa team dahil sa kanyang problema sa kalusugan.  “There are actually many factors that made me decide to stop, one of which is the health of my eyes,”sabi niya.

Pareho rin ang sentimyento ni REKT at sinabing pinahihirapan pa rin siya ng kanyang cubital tunnel syndrome, isang neurological disorder na nakuha niya noong unang bahagi pa lang ng Season 9.

Iba naman ang dahilan ni Luminaire sa kanyang pag-alis. Ayon sa kanya, meron siyang ipinangako kina Wannn at REKT.

“If we pull out, we pull out together,” sabi niya. “I’m not leaving my friends behind, a promise is a promise.”

Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng EVOS Legends na tanggal na sa kanilang roster ang EXP laner na si Maxhill “Antimage” Leonardo at Joshua “LJ” Darmansyah, bagama’t kabilang pa rin sila sa organisasyon.



Unang sumikat ang EVOS Legends sa Indonesian MLBB scene matapos manalo sa MPL ID Season 4 para makapasok sa M1 World Championship. Sa kalaunan ay tinanghal silang kampeon matapos nilang talunin ang kapwa nila ID team na RRQ Hoshi sa grand final.

Napanalunan nila ang kanilang ikalawang MPL ID championship noong Season 7. Noong Season 8 at 9, kinuha ng EVOS Legends ang ikatlo at ikaapat na pwesto.

Ang MPL ID Season 10 ay magsisimula ngayong August 12. Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.