Bagamat nakuha na ng ONIC Philippines ang slot sa upper bracket sa M3 World Championship playoffs, aminado ang team captain na si Allen “Baloyskie” Baloy na malayo pa ang tatahakin ng kaniyang koponan para makuha ang kampyonato.

Ibinahagi ito ni Baloyskie sa isang panayam matapos tulungan ang kaniyang grupo pataubin ang Vivo Keyd sa huling match sa Group Stages Day 2, kung saan sinelyo din ng ONIC PH ang Top 1 spot sa Group B.


Inasahan na ng ONIC PH ang upper bracket sa M3

Credit: Moonton

“The job is not yet finished. We will focus on the playoffs,” banggit ng beterano tungkol sa kanilang plano sa pagpapatuloy ng pinakamalaking torneo sa mundo ng MLBB.

Nakatuon man ang pansin nila sa hinaharap, hindi naman itinago ng roamer na masaya ang koponan sa nakuhang tagumpay sa kongklusyon ng Day 2 ng Group Stages.

“Siyempre masaya kami kasi na-meet namen yung expectation. Ine-expect namin talaga na mag-Top 1 kami. Kahit na do-or-die siya na [sic] mag-Top 1 kami. Masaya naman kasi nakuha namen siya kahit 2-1,” dagdag ni Baloy.

Papasok man sa upper bracket sa M3 playoffs, batid ng bantog na pro na mainit pa rin ang magaganap na kumpetisyon. “RRQ is still there. ONIC can go up and the other countries are really strong right now. Other countries outside SEA really improved,” ani niya.

Sa kabila nito, tiwala si Baloy sa kakayahan ng kaniyang grupo paggulong ng playoffs. “Actually nilu-look out ng team kasi gusto talaga namen ma-bring back yung trophy. Siyempre yung nagawa ng BREN Esports. ‘Di namen hahayaan na mapunta sa ibang bansa ‘yon.”


Ipinaliwanag ni Baloyskie ang paglipat niya sa roaming position

Credit: Moonton

Malaking gulat para sa Mobile Legends fans ang pagsalang ni Baloyskie sa roam position sa pagsisimula ng M3 Group Stages Day 2, taliwas sa nakagisnang midlaner role na ginampanan niya sa MPL PH Season 8.

Ayon sa beterano, minarapat daw na ilagay siya sa roam dahil siya ang shotcaller ng grupo. “I’m the shotcaller of ONIC thats why they put me on roamer, and Hate can play really good on the midlane,” paliwanag ng kapitan.

Binigyang diin din ng ONIC roamer ang kakayahan ni Hatred na magpakitang-gilas sa dati niyang role. Bagamat nabaliktad sa late game, patunay daw ang ipinamalas ni Hatred sa Aamon mid na makailang ulit na pumitas sa mga sa Day 2 opener kontra ONIC ID.

“Hatred is a powerful assassin. Even when he’s playing hyper-carry. That’s why he’s very comfortable playing Aamon. that’s why we pulled it off,” pagpapalawig ni Baloy.


Sundan ang biyahe ng ONIC PH sa upper bracket sa M3 playoffs sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: M3 Group Stage Day 2: Onic PH pinagharian ang “Group of Death”, kumuha ng upper bracket spot