Ang TheOhioBrothers ay nagtatangi habang kanilang tinatahak ang landas sa muling pagbangon.
Bilang nag-iisang kinatawan mula sa North America sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), ito ang unang pagkakataon na nakakuha ang North America ng slot sa MPLI.
Ang TheOhioBrothers ay determinadong mag-iwan ng matibay na impresyon sa international stage. Ayon sa mid laner na si Seong-hun “Hoon” Jang, lubos ang kanyang pasasalamat sa pagkakataon na makasali sa MPLI, sinabi niya na ikinararangal ng kanyang koponan na maging kinatawan ng North America.
Para kay Hoon, ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang kanilang pasasalamat ay ang magtagumpay ng labis at matugunan ang mataas na ekspektasyon ng mga fans at ng esports community.
- Kumpletong roster ng lahat ng teams na lalahok sa MPLI 2023
- Road to MPLI 2023: Team Flash na ba ang makakapag-uwi ng unang international tropeo para sa SG?
TheOhioBrothers nais bumawi sa MPLI 2023

Ang paglalakbay ng TheOhioBrothers tungo sa muling pagbangon ay nagsimula pagkatapos ng hindi kasiya-siyang performance sa Mobile Legends Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023). Inamin ni Hoon na hindi nasiyahan ang koponan sa kanilang ipinakitang performance at determinado silang makabawi sa MPLI.
Sa kanyang pag-alala a MSC 2023, kinilala ni Hoon na may kaunting oras lamang ang koponan para mag-adjust sa meta, na naging dahilan sa kanilang hindi kasiya-siyang performance. Gayunpaman, ang mga aral na natutunan mula sa MSC 2023 ay nagtulak sa kanila na dumating ng maaga sa Jakarta, na magbibigay sa kanila ng sapat na oras upang mag-adjust sa pandaigdigang meta at maiayos ang kanilang mga diskarte para sa torneo.
Ang pagsanay sa iba’t ibang meta ay nagdudulot ng natatanging hamon para sa TheOhioBrothers, sapagkat ang laro sa North America ay naiiba mula sa Southeast Asian meta. Alam ni Hoon ang pagkakaiba, kung kaya’t ginagawa ng kanyang koponan ang lahat upang punan ang agwat upang matiyak na madadala nila ang kanilang A-game sa MPLI.

“Both meta are similar in terms of draft, but the playstyle is very different when it comes to Asian meta,” sabi ni Hoon. “The way they punish any mistake is way too precise. Basically, we are not allowed to do things that we normally do at home because they have their own creative way of countering it.”
Upang mapalakas ang kanilang paghahanda, dumating ang TheOhioBrothers ng maaga sa Jakarta upang sumailalim sa masigasig na training session. Ang Manager at sixth man na si Jarred “Wrath” Gillespie ay nakikita ang adjustment period ng koponan bilang isang kalamangan. Naniniwala siya na ang iba pang mga koponan ay kailangan ding mag-adjust sa kanilang natatanging playstyle, na nagbibigay sa kanila ng edge sa kompetisyon.
Tinitingnan ni Wrath ang bawat koponang kasali bilang banta, bilang pagkilala sa mataas na antas ng kompetisyon sa MPLI. Ang motibasyon ng koponan ay nagmumula sa pagnanasa para muling makabangon mula sa nakaraang international tournament performances. Tiwala ang manager na magiging maayos ang ipapakita ng kanilang koponan, at nais patunayan na sila ay isang malakas na puwersa na dapat kilalanin sa larangan ng MLBB esports.
Nang tanungin kung aling mga koponan ang kanilang nais na makalaban sa torneo, ipinahayag ni Hoon ang kanyang pagkasabik sa posibilidad na makalaban si Sanji, ang kanyang paboritong player, sa entablado ng MPLI. Ang labang ito ay nagdadagdag ng inspirasyon para sa kanilang koponan, na layuning ipakita ang kanilang husay laban sa M4 World champions.

Sa aspeto ng kanilang tsansa na manalo sa torneo, puspos ng kumpiyansa si Hoon, sinasabi na may 76 percent na tsansa sila ng tagumpay — isang numero batay sa kanyang kahanga-hangang win rate sa ranked games. Anuman ang posibilidad, ipinapangako ng TheOhioBrothers sa mga fans ang isang serye ng mga entertaining na laban, at nangangakong ibibigay ang lahat sa bawat laban na kanilang haharapin.
TheOhioBrothers roster para sa MPLI 2023
| PLAYER | ROLE |
| Seong-hun “Hoon” Jang | Mid Laner |
| Trung “SUPERSHARK” Vo | Roamer |
| Chris “Mielow” Enobio | EXP Laner |
| Carlos “bestplayer1” Ortega | Jungler |
| Ziameth-Jei “ZIA” Caluya | Gold Laner |
| Jarred “Wrath” Gillespie | Gold Laner |
Sa paglalakbay ng TheOhioBrothers sa kanilang pagbangon sa MPLI 2023, dala nila ang mga pangarap at pag-asa ng mga fans ng Mobile Legends sa North America.
Sa pinagsamang determinasyon, paghahanda, at gutom para sa pagbawi, sila ay handa nang mag-iwan ng hindi malilimutang marka sa pandaigdigang entablado ng esports. Ang mga fans ay makakaasa sa mga magagandang laban mula sa North American na powerhouse na ito.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.