Hindi matatawaran ang gilas na ipinakita ng Bigetron Era sa nakalipas na MLBB Women’s Invitational 2022 (MWI 2022) kung saan nanaig ang female squad para itaas muli ang bandera ng Indonesia sa international MLBB stage.
Niyanig ng MWI 2022 champions ang playoffs kung saan dinispatiya nila ang IDNS Princess at Karra bago sipain ang GPX Basreng para iselyo ang kampyonato. Ngunit bago ang mga kaganapang ito, nagpabilib na ang koponan ng Bigetron sa group stages na nagbigay-daan sa kanilang dominanteng kampanya sa knockout stages.
Vival at Valanyr ng Bigetron Era, impresibo sa MWI 2022 group stages

Sa tatlong laro na naganap sa Group Stages ng MWI, pasabog ang isinalang na galawan ng Indonesian duo na sina Vival at Valanyr na nagdala sa kanilang koponan sa taas ng Group A.
Nagtala ang EXP laner na si Valanyr ng combined KDA na 6/0/26, kabilang ang halimaw na performance kontra sa BREN Victress ng Pilipinas kung saan ipinako niya ang epektibong 5/0/6 KDA gamit ang Yu Zhong.

Samantala, magnipiko din ang ipinakitani Viva para sa Bigetron Era na nagselyo ng 14/0/2 total KDA. Partikular na nagpabilib ang jungler sa kaniyang Granger kontra sa On Air Pipol ng Malaysia kung saan nagtala siya ng perpektong 9/0/8 KDA.

Lalong kamangha-mangha na ang dalawang Indoensian female MLBB players lamang mula Bigetron ang nagtala ng zero deaths sa group stages.
Sinakop ng Bigetron Era ang MWI 2022 playoffs

Matapos ang magilas na atake sa group stages, hindi na kagulat-gulat para sa mga miron ang ipinakitang husay ng Bigetron female squad sa gumulong na MWI 2022 playoffs.
Unang biktima nila ang IDNS Princess mula Laos na pinataob nila sa 2-0 sweep sa Day 1 ng playoffs. Gayundin ang naging tadhana ng Malaysian team na Karra sa kamay ng MWI 2022 champions sa Day 2, bago ibaon ang GPX Basreng sa 1-3 series para iuwi ang MWI korona.
Huwag kalimutang sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MLBB.
BASAHIN: Ang MWI 2022 ang most watched women’s esports sa kasaysayan