Muling magbabalik ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) para sa ika-siyam na season. At para sa unang araw ng Season 9, naglalagablab na mga matches ang handog ng MPL PH.

Sa unang araw pa lang ng MPL PH ay paghaharapin na ang dalawang higante na nagtuos sa finals ng MPL PH Season 8 at ng M3 World Championship. Unang maglalaban ang Blacklist International at ONIC PH para sa unang match ng season, kaya’t makakaasa tayo ng mainit na sagupaan para sa simula ng season na ito.

Sa lahat nang teams sa liga, tanging ang ONIC PH lamang ang hindi nagbago ng roster, binanggit din ng kanilang coach na si Denver “Yeb” Miranda na tiwala sya sa solidong pundasyon ng kanilang kasalukuyang lineup.

MLBB ONIC PH MPL PH S9 roster
Credit: ONIC Philippines

Sa kabilang banda, dalawa sa key players ng Blacklist International naman ang hindi maglalaro para sa season na ito, idineklara ng V33wise duo na magpapahinga muna sila sa MPL PH Season 9. Gayun pa man, armado ang M3 champions ng bagong jungler sa katauhan ni Xavier “KEVIER” Lopez, at ng bagong assistant coach na si Aniel “Master The Basics” Jiandani.

MLBB Blacklist International MPL PH S9 roster
Credit: Blacklist International

Maghaharap ang Blacklist International at ONIC PH sa February 18, Friday, 6:00 p.m. GMT+8.

Bagong season, bagong players, bagong laban, at bagong pagsubok. Sino sa mga teams at mga players naman kaya ang mangingibabaw sa season na ito? Sa puntong ‘to, isa lang ang sigurado. Siguradong busog na busog na naman ang mga fans sa aksyon na dala ng MPL PH Season 9.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.