Bagamat malaking hamon para sa M3 World Champions Blacklist International ang pagliban muna ng V33Wise duo para magpahinga mula sa competitive scene, nananatiling positibo ang pananaw ni Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza sa kahihinatnan ng kampanya ng koponan para sa paparating na MPL Philippines Season 9.

Credit: Moonton

Ito ay dahil naniniwala ang coach sa kakayahan ng kaniyang koponan kasabay na rin ang kalibreng kayang dalhin ng bagong players na papasok muna sa Blacklist roster.


Tiwala si Coach BON CHAN sa kakayahan ng Blacklist na madepensahan ang korona

Credit: Moonton

Sa isang ekslusibong panyam kasama ang ONE Esports Philippines, sinabi ng batikang coach na nakatakda na ang back-to-back MPL Philippines champions na maghanda para depensahan ang kanilang korona.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga manlalarong pupuno muna sa kanilang roster habang naka-sideline ang batikang support-jungler duo. Ani ng world championship coach, nakasandal sa abilidad ng mga bagong player na makasabay sa playstyle ng mga beterano ang magiging daloy ng kanilang Season 9.

“It depends sa bagong player if mabilis makakaadopt sa playstyle namin. If mabilis matuto, kayang-kaya naman i-defend ang title,” paliwanag ng Blacklist coach.

Credit: Moonton

Bagamat hindi pa napapangalanan ang player o mga players na papasok sa rotation ng dekoradong koponan, kampante si Coach BON CHAN na dekalibreng Mobile Legends ang dadalhin ng sinumang mapupusuan nila.

“Never kami nagkamali ni Dex sa pagpili ng player,” dagdag ng utak sa likod ng dominanteng team.

Tungkol naman sa inaasahan niya mula sa MPL Philippines Season 9 na nakatakdang magbukas sa huling bahagi ng Pebrero, naniniwala ang Coach na magiging kapanapanabik ang bagong season.

“Magiging exciting season na’to.”


Manatiling nakasubaybay sa kampanya ng mga koponan sa MPL Philippines Season 9 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: BTK MobaZane kay Wise ng Blacklist: ‘People don’t give him enough credit’