Hindi lingid sa kaalaman ni Kristoffer “Coach BON CHAN” Ricapalaza ang kinakailangang gawin ng kaniyang Blacklist International para mapagtagumpayan ang MPL Philippines Season 10.

Bagamat nanatiling paborito ang M3 World Champions na muling makuha ang tropeyo ngayong season, batid ng dekoradong coach na malubak na landas ang kanilang tatahakin bago magawa ito.

Credit: Calvin Trilles/ ONE Esports Philippines

Hinarap ng world champion coach ang media sa Blacklist Protocol, ang launch event ng koponan kung saan inilahad niya ang ilang detalye tungkol sa paghahanda nila para sa Season 10.


BON CHAN batid ang pressure sa BLCK, tiwala sa chemistry at kumpiyansa ng team

Credit: Calvin Trilles/ ONE Esports Philippines

Nang tanungin ng ONE Esports Philippines ang coach tungkol sa tiyansa nilang makuha muli ang korona, sinabi ni Coach BON CHAN na pinagtutunan nila ng pansin ngayon ang kumpiyansa ng mga miyembro ng team para makabalik sa dati nilang porma.

Tugon niya, “Tinataas namin yung confidence nila para ma-reclaim yung dating pag-aari namin but not overconfident para sabihing sure na.”

“Gagapangin ulit namin simula sa ilalim hanggang sa mabawi namin,” dagdag pa ng tubong-Bataan.

Credit: Blacklist International

Batid din niya na lagi’t-laging may pressure na nakadikit sa Blacklist lalo pa’t sila ang pinakahuling world champions. “Mataas ang expectations ng mga fans para sa team namin pero yung pressure na yun, yun yung nagpapalakas sa kanila e,” pag-aamin ni BON CHAN.

Binalikan din ng multi-titled coach ang karanasan ng team dala ang nasabing pressure. “Siguro marami na kaming napagdaanan na mas matitinding pressure. Kagaya nung nasa MPL na nasa lower bracket kami na wala kaming second chance para matalo ulit, ‘yun siguro yung pinakamatinding pressure na naranasan namin and masasabi ko lang is sanay na sanay na tayo pagdating sa pressure. Kaya na nila i-handle ‘yan.”

Bubuksan ng Blacklist International ang kanilang kampanya sa MPL PH Season 10 kontra Nexplay EVOS sa ikalawang match ng opening day sa August 12.

I-check out ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuli sa MPL PH.

BASAHIN: OhMyV33NUS at Wise inaming naapektuhan sa mga komento ng bashers