Handa nang sumabak ang Bren Esports sa MPL Philippines Season 10 matapos ilabas ang kanilang kumpletong roster tampok ang dalawang amateur standouts.

Inanunsyo ng organisasyon sa kanilang social media pages nitong Miyerkules ng gabi, ika-13 ng Hulyo ang pag-recruit kila jungler Michael Angelo “KyleTzy” Sayson mula sa Alpha Esports Pro at roamer Rowgien Stimpson “Owgwen” Unigo mula sa SV Empire.

Sa pagpasok ni KyleTzy, may bagong katambal si batikang EXP laner David Charles “FlapTzy” Canon bilang “Tzy Brothers” matapos ang paglipat ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno sa ECHO noong Season 9. Si Owgwen naman ay pinsan ni EXP laner Vincent ” Pandora” Unigo at dati rin silang magkakampi sa SV Empire kasama si midlaner Dale Rolan “Stowm” Vidor.

Credit: KlyeTzy, Owgwen

Mananatili namang kapitan ng koponan ang two-time MPL PH champion at M2 world champion na si midlaner Angelo “Pheww” Arcangel, na maglalaro sa kanyang ika-sampung season sa liga.


Kumpletong roster ng Bren Esports para sa MPL PH Season 10

  • Angelo “Pheww” Arcangel (mid/captain)
  • David “FlapTzy” Canon (EXP laner)
  • Vincent “Joy Boy” De Guzman (roamer/in-game leader)
  • Kenneth “Saxa” Fedelin (jungler)
  • Marco Stephen “SUPER MARCO” Requitano
  • Dale Rolan “Stowm” Vidor (mid)
  • Vincent “Pandora” Unigo (EXP laner)
  • Jomari “Jowm” Pingol (gold laner)
  • Michael Angelo “KyleTzy” Sayson (jungler)
  • Rowgien Stimpson “Owgwen” Unigo (roamer)
  • Francis “Duckey” Glindro (coach)
  • Paulo “Pauloxpert” Munsayac (assistant coach)

Susubukan ng MPL PH Season 6 at M2 world champion org na bumawi mula sa dalawang magkasunod na 7th-8th place finishes noong Season 8 at 9.

Sa pagpasok ng Season 9, natira pa sila Pheww, FlapTzy at Allan “Lusty” Castromayor na mga miyembro ng M2 winning squad ngunit nawala sina KarlTzy at Ribo. Kaya naman kinuha ng Bren Esports ang ArkAngel stars na sina Saxa, Joy Boy at Super Marco kasama ang iba pang emerging players mula sa amateur scene.

Bren Esports
Credit: MPL Philippines

Ngunit tila nangapa ang black and yellow squad pagdating sa chemistry at nahirapang makapaglista ng mga panalo. Nakaranas ng losing streak ang koponan sa unang tatlong linggo bago makuha ang kanilang unang panalo

Tinangka pa ng Bren Esports na makapasok sa playoffs ngunit hindi na sila nakahabol sa standings. Nagtapos sila sa 7th place hawak ang 14 points mula sa 5-9 series win-loss record.

Para sa MPL PH roster news, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 10