Natanggal sa MPL ID S9 playoffs ang Alter Ego matapos matalo sa kamay ng EVOS Legends sa score na 2-3. Mainit ang naging takbo ng laban at naging mabangis ang magkabilang panig sa kagustuhang huwag agad matanggal sa tournament.
Sa match na ito, lumamang ang EVOS 2-0. Ngunit nagawa ng Alter Ego na bumangon upang kunin ang sumunod na dalawang games upang pwersahin ang Game 5.
Sa ikalimang game, nagkaroon ng pagkakataon na manalo ang Alter Ego. Subalit nagawa ng EVOS na baligtarin ang sitwasyon at kunin ang panalo sa ikatatlumpung minute ng laro.
At dahil ilang linggo na rin ang lumipas mula noong gamw na ‘yun, tila may kakaibang kwento na naganap bago mangyaro ang match mula sa AE jungler na si Celiboy, na inilahad ng ONIC Esports brand ambassador na malapit sa kanya, si Kayes, sa EmpeTalk video sa YouTube channel ni Jonathan Liandi.
Kayes inilahad na natakot si Celiboy na hindi kayang talunin ng Alter Ego ang EVOS sa MPL ID S9 playoffs

Ikinwento ni Kayes kay Jonathan kung ano ang estado ng pag-iisip at kumpyansa ni Celiboy bago ang laban sa pagitan ng Alter Ego at EVOS Legends. Natatakot umano ang AE jungler na matalo bago pa man magsimmula ang laro.
Hindi lang ito dahil sa magaling ang makakalaban, ngunit sa kadahilanang hindi pa nakakakuha ng MPL ID championship si Celiboy mula nang magsimula ang career nito noong Season 4.
“The match against EVOS was tonight, well in the afternoon before going to the MPL Arena, he called me (while) crying because he was afraid of his opponent,” kwento ni Kayes kay Jonathan Liandi.
“He said: ‘What if I lose again. I remember the past because it was a long time ago but never champions’ When he lost, I also became sad too because at first (he had) cried,” dagdag pa niya.
Bukod pa dito, inamin rin ni Celiboy na noong mga panahong iyon, matapos niyang maglaro ng scrim, ay aksidente niyang nakita ang kanyang mga lumang photos mula pa noong magsimula siya noong MPL ID S4 at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagawang mabuhat ang tropeyo. Upang mapagaan ang kanyang nararamdaman, ibinahagi niya ito kay Kayes.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.