Apat na seasons makalipas na huling mahawakan ang tropeyo ng MPL Philippines, umaasa ang BREN Esports na maibabalik nila ang dati nilang tindig sa likod ng kanilang holdovers katuwang ng dalawa nilang rookies ngayong Season 10.

Sinindihan ng former champions ang kanilang kampanya sa regular season hawak ang 1-1 record matapos ang Week 1. Sa dalawang matches na kinatampukan ng koponan, ay hindi nag-atubili si Francis “Coach Duckey” Glindro na isalang ang dalawa niyang rookies sa playing roster katuwang ng kaniyang mainstays.

Nagdulot ito ng pagtataka sa mga miron lalo pa’t pinili niyang pauupuin ang dalawa sa kaniyang standouts mula sa Season 9 na sina Vincent “Joy Boy” De Guzman at Kenneth “Saxa” Fedelin.

Credit: MPL Philippines

Ngunit gaya ng maraming ulit na napatunayan niya, may rason ang bawat galaw ni Coach Duckey.

Kahit pa bigo kontra sa ONIC PH sa kanilang opener, 2-1 ay nagawa ng BREN na puguin ang S9 top-seeded TNC Pro Team ML, 2-0 sa ikalawa nilang salang sa Day 3. Sa huling matchup, nagpakitang-gilas ang kapwa rookies na sina Kyle Angelo “KyleTzy” Sayson  at Rowgien “Owgwen” Unigo para kumpletuhin ang pagdidispatya sa mga pambato ng Phoenix Army.


Coach Duckey sa selection process at training structure ng BREN

Credit: MPL Philippines

Sa panayam matapos walisin ang TNC, ibinahagi ni Coach Duckey sa media kung papaano nabuo ng BREN ang isasalang na teams sa gumugulong na MPL PH S10. Bago raw gumulong ang season ay nagdaos sila ng sarili nilang combine upang makita ang performance ng mga players kasama ang isa’t-isa.

Ani ng head coach, “It’s kind of similar to what SIBOL did, but this time it was based on 3 criterias. I don’t really want to say it. It’s just purely scrimmages between 2 teams. So, they had a chance to like play with everyone in the roster.”

“We have 10 players so each of them had a chance to play with each other. And then we based it of, although its quite subjective how we scored things, I’m just happy that it actually is fruitful and it is actually showing in our performance,” pagtutuloy nni Coach Duckey.

Credit: MPL Philippines

Bagamat hindi raw nakumpleto ng team ang kanilang arangkada kontra sa ONIC ay masaya raw siya sa nakitang performance mula sa kaniyang mga alaga.

Simple lamang ang nakitang dahilan ni Coach Duckey sa naganap noon sa kanilang debut. “Atlas happened. Doon sa interview kanina, Mara actually asked if stage jitters played a role. It actually did. Hindi naman siya maiiwasan particularly doon sa rookies. We have 2 rookies in the playing roster right now. Kahit ano pang sabihin nila na “Coach di ako kinakabahan. Coach kaya ko yan.” It’s easier said than done.”

“Madali siyang sabihin but, deep inside subconsciously they still feel the pressure. Good thing is, they immediately acclimatized. Parang ngayon, it’s just a normal training day for them,” dagdag pa niya.

Credit: MPL Philippines

Malaki rin daw ang inambag ng kanilang S9 kampanya sa kung papaano nila binuo ang kanilang atake ngayong season. Partikular daw nitong ipinakita ang nararapat na ‘training structure’ para makamit ang inaasam na comeback, lalo pa’t may mga bagong-salta sa kanilang lineup.

Kinuwento rin ni Coach Duckey na bagamat hindi pa napapalaro ang ilang players sa gumugulong na season ay kasing-tikas daw ito sa nauna. “The other team that we have is somewhat similar to this team. They’re pretty strong. They’re about on par with each other. So I’m really happy.”

Susunod na kakaharapin ng koponan ang ECHO sa August 19, Biyernes.

Para sa pinakahuli sa MPL PH, i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Micophobia inaming mas buo ang loob ngayong parte na ng starting 5, kumpiyansang kaya makipagsabayan sa kahit sino sa MPL PH