Hindi maitatanggi na malaki ang ambag ng pinakabagong miyembro ng ONIC Esports coaching staff na si Paul Denver “Coach Yeb” Miranda sa mahusay na performance ng team. Mula sa kanilang pagkakapanalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) hanggang sa katatapos lamang na MPL Invitational 2022 (MPLI 2022), mainit na mainit ngayon ang Indonesian MLBB team.

Sa huling episode ng One v One with the Great One, ibinahagi ni Coach Yeb ang mga pangyayari kung paano siya ni-recruit ng ONIC Esports.

Hindi sana tutuloy si Coach Yeb kung hindi dahil kay Kairi

ONIC Esports Kairi Coach Yeb
Credit: ONE Esports

Ayon sa coach, MPL PH Season 9 pa lang ay marami nang Indonesian teams ang nagpaparamdam sa kanya, ngunit hindi siya naging interesado sa mga ito.

“MPL [Season 9] pa lang, may mga team na sa Indo na nagpaparamdam, tinatanong na ‘ko,” kwento ni Yeb. “Kaso wala talaga kong balak noon, tapos based kasi dun sa contract ko kelangan kong sabihin lahat nang nag-a-approach sa’kin sa management, so lahat sinasabi ko.”

Malamang ay napaisip ang management dahil interasdo ang mga Indonesian teams sa noon ay ONIC PH coach. Kung kaya’t pagkatapos ng kanilang mga laban sa MPL PH Season 9, tinanong si Yeb ng kanyang boss kung interesado siyang maging coach sa Indonesian counterpart ng kanilang organisasyon.

“Nung una, ayoko sana kung ako lang, tapos later on nalaman ko na pati si Kairi,” sabi ni Coach Yeb. “Nag-usap kami ni Kai kung gusto nya, kasi kung isa samin ayaw, hindi kami tutuloy.”

Sinabi rin ng coach na walang pilitan na naganap at kontrolado niya ang sitwasyon. Masasabi rin na naging dahilan ang dating ONIC PH jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol upang magdesisyon siya na tanggapin ang offer na maging coach sa Indonesia.

Coach Yeb itinuturing na ‘good decision’ ang paglipat sa ONIC Esports

ONIC Esports Coach Yeb Wolf 1 v1 with the Great One
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Nang tanungin kung bakit sa tingin niya ay siya ang pinili upang mapunta sa ONIC ID, simple lang at may bakas ng pagpapakumbaba ang naging sagot ng MPL ID S10 champions coach.

“Hindi naman nila sinabi kung bakit, pero alam nila kung paano ko magtrabaho, so may reports sila kung paano ako mag-coach,” kwento ni Yeb. “Siguro si Kairi, kelangan din niya ng kasama, baka isa rin yun [sa dahilan].”

Naging mahusay ang pagpili ng ONIC Esports kina Coach Yeb at Kairi bilang parte ng kanilang team, at makikita naman ito sa resultang nakuha nila nitong mga nagdaang tournaments. Ngunit ginusto naming malaman ang panig ng coach kung sa tingin ba niya ay naging tama ang kanyang desisyon na lumipat, at malinaw ang kanyang naging sagot.

“Careerwise, oo. Good decision. Sobra.”

Panoorin ang buong interview kay Coach Yeb dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.