Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Akmang-akma ang jungle Dyrroth sa naturang role sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa kanyang natatanging skill set.

Mabilis siyang nakakaikot sa mapa at nakakapag-clear ng jungle creeps gamit ang kanyang Spectre Step, na hindi lang isang dash ability kundi nakakabawas din sa physical defense ng target niya.

Mobile Legends: Bang Bang Orochi Chris Dyrroth skin wallpaper
Credit: Moonton Games
3 pinakamalakas na pangontra kay Dyrroth

Mayroon din siyang Burst Strike na nakakapagbitaw ng malaking damage, habang ang Wrath of the Abyss passive ay pinapalakas ang kanyang unang dalawang skills at nagbibigay ng lifesteal.

Ang ultimate naman niya na Abysm Strike ay mabisang panapos ng kalaban at pang-secure ng objective tulad ng Turtle at Lord katambal ang Retribution.

Sa komprehensibong ONE Esports guide na ito, ilalahad namin ang best build para sa jungle Dyrroth, kabilang na ang epektibong emblem set at item build.

Durugin ang kalaban gamit ang best build na ‘to para sa jungle Dyrroth

Jungle Dyrroth emblem set

Jungle Dyrroth emblem set sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports, Moonton Games

Lalong palalakasin ng Assassin emblem ang iyong physical damage output bilang Dyrroth dahil sa binibigay nitong adaptive penetration at adaptive attack.

Pinapabilis din nito ang iyong pag-rotate at paghabol sa mga kalaban dulot ng karagdagang movement speed.

Para sa standard talents, pillin ang Rupture para sa dagdag na adaptive penetration, at Seasoned Hunter para sa ekstrang damage kontra sa Lord, Turtle, at jungle creeps.

MLBB Lord
Credit: ONE Esports
Step-by-step guide kung paano makuha ang Lord

Maaari mong palitan ng Master Assassin o Festival of Blood ang Seasoned Hunter kung ikaw ay agresibong jungler.

Pagdating naman sa core talent, kunin ang Lethal Ignition para makapagbitaw ng scorch damage matapos ang multi-hits. Madali mo itong mapo-proc dahil sa angking damage ng Dyrroth.

Pwede mo ring gamitin ang Quantum Charge kung nais mo ng karagdagang movement speed at sustain.

Jungle Dyrroth item build

Jungle Dyrroth item build sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports, Moonton Games

Bilang Dyrroth at melee Fighter, inaasahan na popronta ka sa mga team fight at pagkuha ng objectives upang mabitaw ang iyong damage.

Kaya naman mainam na kumuha ng item build na pinaghalong opensa at depensa.

Simulan ang iyong build sa pagbili ng kinakailangan na boots. Kumuha ng Tough Boots kung mas angat ang magic damage ng kalabang koponan, o Warrior Boots kung physical damage naman.

Para sa uri ng Retribution, piliin ang Ice Hunter para sa dagdag na movement speed at slow effect sa kalaban kapag ginamit mo ito.

Alin sa 3 Retribution ang swak para sa’yo?

Sa core items, unahin ang Blade of the Heptaseas at Hunter Strike para sa physical attack at penetration. Nagbibigay din ng burst damage ang Heptaseas habang ekstrang movement speed naman ang dulot ng Hunter Strike.

Isunod ang Sea Halberd na naggagawad ng physical attack, attack speed, at dalawang unique passive — Lifebane at Punish.

Binabawasan ng Lifebane ang shield at HP regen ng iyong target, habang pinapataas naman ng Punish ang iyong damage kontra sa enemy heroes na mas mataas ang extra HP.

Para sa pinaghalong physical attack, magic defense, at lifesteal, mamuhunan sa Rose Gold Meteor. Kapag natunaw ang iyong HP sa 30% pababa, ang passive nito na Lifeline ay nagkakaloob ng malaking shield at movement speed sa loob nang ilang segundo.

Credit: ONE Esports
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan

Ngunit kung masyadong mahapdi ang magic damage ng kalaban, mainam na rumekta na sa Athena’s Shield o Radiant Armor. Piliin ang Athena’s Shield kung magic burst ang uri ng damage ng kalaban, at Radiant Armor naman kung magic DPS.

Pero kung malaki ang inyong kalamangan at wala namang banta na ma-birst ka ng kalaban, maaari mong ipalit ang Blade of Despair o Malefic Roar sa Rose Gold Meteor upang magtaglay ng matinding physical attack.

Para sa panghuli mong item, mahalagang kunin ang Immortality upang magkaroon ka ng ekstrang buhay na pwede mong magamit sa pagpapatuloy ng iyong atake o pagtakas sa peligro, na importante lalo na sa late game.

BASAHIN: Kunin ang 3 core items na ‘to kay Xavier para lusawin ang mga kalaban sa Mobile Legends