Nagawang pagtibayin ng RRQ Hoshi ang kanilang posisyon sa tugatog ng MPL Indonesia Season 9 standing matapos talunin ang Aura Fire, 2-1, noong ika-anim na linggo ng regular season.

Pero hindi ito naging ganoon kadali lalo na’t kinailangan muna nilang pagdaanan ang unang mapa ng serye kung saan wala silang naisagot sa kakaibang draft ng Aura Fire.

Ang draft ng Aura Fire sa unang mapa kontra RRQ Hoshi

3-tank draft ng Aura Fire, naisahan ang RRQ Hoshi
Credit: ONE Esports

Tatlong tank heroes ang inilabas ng Aura Fire sa unang mapa ng serye kontra King of Kings. Nakontra ng EXP lane Grock, jungle Khufra, at roam Atlas ang priority pick na Fanny para kay RRQ Alberttt.

Sa early game pa lang ay nagawa na nilang pahirapan ang RRQ Hoshi. Madalas nilang i-invade ang jungle para mapigilan ang kalabang Fanny na makakuha ng purple buff.

Hindi na pinakawalan ng Aura Fire ang kalamangang nakuha nila sa early game. Hindi na rin naman kasi nakapalag ang RRQ Hoshi kaya’t natapos ang laban sa loob lang ng 13 minuto.

Bagamat sa RRQ Hoshi pa rin napunta ang serye, sinugurado ng Aura Fire na pagpapaguran nila ito matapos umabot ng 28 minuto ang ikatlo ang huling mapa.

Clay, inaming nasurpresa sila sa draft ng Aura Fire

3-tank draft ng Aura Fire, naisahan ang RRQ Hoshi
Credit: MPL Indonesia

Ang draft ng Aura Fire na binubuo ng Khufra, Grock, Atlas, Brody, at Yve ay ikinagulat hindi lang ng mga manonood at talents, kung hindi pati na rin ng midlaner ng RRQ Hoshi na si Clay.

“Pastinya hal ini akan kami jadikan pelajaran. Kami pasti bisa mengatasi permainan mereka seperti itu di pertandingan berikutnya,” sabi ni Clay sa ONE Esports.

(Nasurpresa kami sa unang mapa. Puro pang pitas ‘yung mga hero na pinili nila. Nagulat kami.)

Sisiguraduhin din daw ng RRQ Hoshi na matuto mula sa pagkatalong hatid ng draft ng Aura Fire.

3-tank draft ng Aura Fire, naisahan ang RRQ Hoshi
Credit: Moonton

“Pastinya hal ini akan kami jadikan pelajaran. Kami pasti bisa mengatasi permainan mereka seperti itu di pertandingan berikutnya,” dagdag niya.

(Siyempre, ituturing namin ‘to bilang leksyon. Papalagan na namin ang ganong galawan sa susunod.)

Dahil sa init ng labang ipinamalas ng dalawang koponan, maraming nagnanais sa muling paghaharap ng Aura Fire at RRQ Hoshi sa MPL ID Season 9 playoffs.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Fanny ni EVOS Ferxiic pinahanga sina Oura at Donkey