Para sa EVOS Legends, naging masalimuot ang naging resulta ng regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID Season 10). Matapos magdomina sa unang half ng season na amy 5-2 record, bumulusok naman sila pababa sa ikalawang half, kung saan nagtamo sila ng napakasakit na seven-game losing streak.

Pinagbayaran nila ang pagbaba ng kanilang standing. Sa kauna-unang pagkakataon simula noong Season 1, nabigo ang EVOS Legends na makapasok sa playoffs, at pati ang EVOS Vice President na si Aldean “DeanKT” Tegar ay personal na humingi ng paumanhin sa mga fans ng EVOS Legends poara sa performance ng team.

Ano nga ba ang nangyari sa team? Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap ang head coach ng Bren Esports na si Francis “Duckey” Glindro tungkol sa kanyang palagay sa hindi pagpasok ng kanyang dating team sa playoffs sa unang pagkakataon.

Bago lumipat sa Bren Esports noong Season 5, naging bahagi si Duckey ng EVOS coaching staff. Kasama ang head coach na si Bjorn “Zeys” Ong, inakay nila ang white tigers papunta sa kauna-unahang M1 World Championship.

Duckey ipinagtanggol si coach Zeys matapos mabigo ang EVOS Legends na makapasok sa MPL ID Season 10 playoffs

MPLD ID Season 10 EVOS Legends paliwanag ni Duckey sa payoffs
Credit: EVOS Esports

Ayon kay Duckey, nagsisimula ang problema pag humina ang pundasyon ng isang team. Ang pag-alis ng mga beterano na sina  Muhammad “Wannn” Ridwan, Ihsan Besari “Luminaire” Kusudana, and Gustian “REKT” noong off season ay isang malaking sampal sa EVOS na naiwan sa kamay ng isang squad na puro bata.

“Pressure will be one of the biggest factors for rookies or new players filling the shoes of old players,” sabi niya. “Other issues also appear such as chemistry, atmosphere, and more.”

Nagkaroon din ng maraming pagbabago ang organisasyon sa kalagitnaan ng season, kung saan inilipat nila ang mga eksperyensadong players na sina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin, Raihan “Bajan” Ardy, at ang Filipino import na si Gerald “Dlar” Trinchera papuntang MDL. Kahit pagkatapos nito, hindi pa rin naging maayos ang takbo ng team.

Para kay Duckey, ang malawakang roster overhaul ang naging susi sa pagbagsak ng team.

“I have felt that such a strategy has been difficult for the past two seasons,” dagdag niya. “Several teams have experienced the same problem when changing players.”

EVOS Legends Zeys
Credit: EVOS

Sa social media, mabilis na sinisi ng mga fans si head coach Zeys sa mga kakulangan ng team. Marami ang nag-akalang siya ang may pakana ng pagpapadala sa beteranong sina Bajan, Ferxiic, at Dlar pababa sa lower league kapalit ng mga baguhang sina Arthur “Sutsujin” Sunarkho at Rizqi “Saykots” Damank.

Ngunit sinabi ni Duckey na hindi nararapat na magalit ang mga tao kay Zeys.

“People will blame the person they feel is the easiest to blame,” sabi niya. “But they don’t understand how an esports team works. There are changes that happen to every team to keep going and we will never understand it unless we are part of it.”

Ang mga salitang ito ay nagmumula sa experience ni Duckey. Sa isang punto, naranasan din niyang makatanggap ng online hate matapos nilang mabigong makapasok sa playoffs nang dalawang beses, kasunod ng pagkapanalo ng bren Esports sa M2 World Championship.

Hindi madali para sa isang coach na makita natatalo ang kanyang team. “It makes us think a lot,” sabi niya.

Ang MPL ID Season 10 playoffs ay magsisimula sa October 19.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.