Matapos kapusin kontra Todak, 2-1, sa unang araw ng kanilang kampanya sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) playoffs, natural ang pagkadismaya na nararamdaman ngayon ng kapitan ng Smart Omega na si Patrick “E2MAX” Caidic.

Bukod sa momentum na naibigay nila sa koponan mula Malaysia ay muli nanamang dadaan sa malubak na lower bracket ang MPL Philippines Season 9 runner-ups.

Credit: MSC 2022

Gayunpaman, nanatiling tiwala ang shotcaller ng koponan sa kalalabasan ng kanilang tangkang depensahan ang koronang ipinanalo nila noong 2021.


Kakulangan ng plano sa end game at drafting ang rason sa pagkatalo ng OMG

Sa isang panayam, hindi itinago ng midlaner ng Smart Omega ang kakulangan ng team sa kanilang unang sabak sa MSC 2022 playoffs. Aniya, maraming pagkakataon na nagkaroon sila ng communication errors bukod pa sa kawalan ng plano para sa end game partikular na sa Game 1 kung saan lamado ang PH team.

Credit: MSC 2022

Pag-aamin ni E2MAX, “Nahirapan kami sa kanila. Di namin in-expect yung mga binigay nilang heroes sa amin. ‘Di tulad ng nasa plano namin kaya siguro nabigla kami.”

Nais sana ng koponan na maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa mas ligtas na daan sa upper bracket, ngunit tantiya ng beterano ay hindi ata talaga para sa kanila ito.


E2MAX tumitindig sa lower bracket magic ng OMG

Credit: MSC 2022

Hindi man nakuha ang inaasam na tuwid na daan papunta sa kampeonato ay nanatiling positibo si E2MAX sa kahihinatnan ng kanilang depensa sa kanilang titulo bilang “Kings of the SEA“.

“Mahirap sabihin na confident pero iba tlaga ‘pag nasa lower kami. Tingin ko, mas lumalabas yung tunay na laro namin,” banggit ng midlaner.

Dagdag pa niya, “‘Di ko sinasabi na sinadya namin[mapunta sa lower bracket], pero mukhang mas natututo at mas nalalaman namin yun mali hanggat natatalo kami.”

Mensahe naman ni E2MAX sa mga ka-baranggay, “Expect niyo na babawi kami. Papakita namin [‘yung] tunay na laro ng Omega.”

Susubukang paganahin ng Smart Omega ang kanilang lower bracket magic sa best-of-five kaharap ang matikas na EVOS Singapore.


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MSC 2022.

BASAHIN: RRQ Hoshi pasok na sa upper bracket finals, Falcon umabante sa lower bracket ng MSC 2022