Si Vexana, minsa’y isang bottom dweller pagdating sa kasikatan at pick rate sa Mobile Legends: Bang Bang, ay umaangat na.

Nakatanggap siya ng bagong set ng skills, kasabay ng kaniyang ability makatawag ng isang undead knight na kasinglaki ng Turtle gamit ang kaniyang ultimate na Eternal Guard.  

May potensiyal siyang mag-make o break ng team fights, ‘di tulad ng dati na isa siyang pabigat.

Pero maari pa ring makontra ang revamped Vexana dahil wala siyang mobility skills o crowd control. Heto ang tatlong heroes na may laban sa kaniya.

IBA PANG MLBB GUIDES
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito
3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem

Tatlong heroes pangontra kay Vexana sa Mobile Legends: Bang Bang

Kadita

Mobile Legends: Bang Bang Hydromancer Kadita skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Una sa listahan ay ang queen of the seas na si Kadita. Perpekto siya laban sa mga squishy heroes na walang escape skills tulad ni Vexana.  

Kapag nakontrol na niya ang target gamit ang Breath of the Ocean, maaring masara ni Kadita ang gap gamit ang Ocean Ode at makadulot ng nakakamatay na tira gamit ang Rough Waves. 

Mainam na skills din ang Ocean Ode at Rough Waves para makatakas sa kaniyang ultimate na Eternal Guard.  

Dagdag pa riyan, ang kaniyang passive na Thalassophobia ay maaring maka-restore ng kaniyang health kung maubos man ito sa isang team fight. Piliin si Kadita kung gusto mo ng pinakamadaling pangontra sa revamped Vexana.

Aurora

MLBB Aurora Vexana counter
Credit: Moonton Games

Parehas ang mga functions nina Aurora at Vexana. Sila ay parehas na mahusay sa pag-initiate ng team fights at sa paggulat ng kalaban gamit ang kanilang area-of-effect skills. 

Ngunit ang kakaiba kay Aurora ay ang kaniyang passive na Pride of Ice na kayang mag-freeze ng kalaban.

Kayang ma-abuse ng isang mahusay na Aurora player ang kakulangan sa mobility ni Vexana sa pamamagitan ng pagtago sa bush, pag-freeze sa kaniya kung malapit na siya, at pag-burst sa kaniya.  

Mas madali itong gawin kung mahuhuli siya nang mag-isa ni Aurora, lalo na kung wala siyang Purify o Winter Truncheon.  

Ang negatibo lamang sa Aurora pick ay wala rin siyang mobility, kaya magiging tungkol sa skill matchup na ito kapag umabot na sa late game kapag nasa full build na ang dalawang heroes.  

Kagura

The Exorcist skins Exorcist Kagura
Credit: Moonton Games

Isa sa pinakamahirap matutunan na hero si Kagura sa Land of Dawn, ngunit malaki ang reward nito, lalo na sa mga mas mataas na ranks. 

Mayroon siyang mobility, disenteng damage, at kaya niyang tanggalin ang mga crowd control skills gamit ang Rasho Umbrella Flee.  

Maari niyang ma-kansela ang Cursed Blast at Eternal Guard combo ni Vexana kung na-cast ito sa tamang oras at ma-counterattack gamit ang Seimei Umbrella at Ying Yang Overturn. Walang masasagot si Vexana sa kaniyng damaging skills, at mapipilitan itong sunugin ang kung ano mang battle spell na mayroon siya.  

Kahit na mag-depensa pa siya at magtago, makakapagbigay ng vision ang umbrella ni Kagura sa lugar gamit ang Semei Umbrella Open sa mga chokepoints. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: 3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends