Pinasok na ng European esports organization na Gaimin Gladiators ang esports eksena ng Mobile Legends: Bang Bang matapos ampunin ang roster ng TheOhioBrothers, ibinalita ng organisasyon sa Twitter kahapon.

Ito ay pagkatapos ianunsyo ng Moonton Games na magkakaroon ng slot ang North America sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2024 (MSC 2024) kung saan paglalabanan ang tumataginting na US$3 million prize pool, ang pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng laro.

Gaimin Gladiators binigla ang North American MLBB esports scene sa pagbandera ng star-studded roster

TheOhioBrothers sa M5 World Championship sentro sina Shark, Hoon at Bestplayer1
Credit: Gaby Kosinski Photography

Maglalaro para sa bandera ng Gaimin Gladiators ang ilan sa pinakatanyag na pangalan sa North America sa larangan ng MLBB.

Kabilang sa lineup ng bagong MLBB team ang roster ng TheOhioBrothers, na huling nagpakitang-gilas sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023) at M5 World Championship.

TheOhioBrothers winalis ang NACT Fall 2023 grand final, pasok sa M5 at MPLI

Kabilang na dito sina Jang “Hoon” Seong-hun and Vo “SHARK” Trung.

Nakatakdang lumahok ang koponan sa darating na North America Challenger Tournament 2024 kung saan kailangan nilang dumaan sa qualifiers para maselyo ang spot sa regular season.

Eksklusibo: Kaya mo bang i-master pinakamahirap na assassin sa MLBB? Hoon may payo

Ang magtatagumpay sa torneo ay magkakaroon ng tiyansa na maging kinatawan ng rehiyon para sa MSC 2024 sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang Gaimin Gladiators ay isa sa pinaka-kilalalang esports organization sa buong mundo na may teams sa pinakamalalaking titles tulad na lamang ng Dota 2, PUBG: Mobile, at APEX Legends.

Dota 2 team ng Gaimin Gladiators
Credit: IO Esports

Matatandaan na ang kanilang Dota 2 division ang mas nagpaingay sa kanilang pangalan nang makuha nito ang tatlong magkakasunod na tropeyo sa Lima Major 2023ESL One Berlin Major 2023, at Bali Major 2023.

Pagkatapos nito, nakuha nila ang second-place finish sa The International 2023, kung saan napanalunan nila ang humigit kumulang sa US$400,000 prize winnings.

Gaimin Gladiators MLBB roster

Gaimin Gladiators roster para sa MLBB
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports
NAMEROLE
Ian “FwydChickn” HohlEXP lane
Carlos “bestplayer1” VegaJungle
Jang “Hoon” Seong-hunMidlane
Ziameth-Jei “ZIA” CaluyaGold lane
Vo “SHARK” TrungRoam

Magsisimula ang NACT 2024 Spring Split sa February 17, 2024.

Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MLBB World champion roamer babandera para sa Aura Fire sa MPL ID Season 13