Walang duda na ang Gusion ang isa sa pinakamahirap na aralin at i-master na hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kinakailangan ng mabibilis na reflexes at asintadong mga tutok ng kaniyang skills. Kaya naman, maraming bago at casual players ang umiiwas sa paghawak sa kaniya.

Gayunpaman, ang professional player at content creator na si Jang “Hoon” Seong-hun ay may ibang opinyon tungkol dito.

Credit: Moonton

Kilala bilang isa sa pinakamamalakas na Gusion players sa buong mundo, naniniwala siyang madali lang laruin ang hero, kung susundin mo ang kaniyang mga payo.



3 tips para ma-master ang Gusion ayon kay Hoon

TheOhioBrothers players Jang "Hoon" Seong-hun, Carlos "bestplayer1" Vega, and Oscar "SHARK" Vo
Credit: Gaby Kosinski Photography

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, ibinahagi ng TheOhioBrothers midlaner ang ilan sa mga pangkaraniwang problema na hinaharap ng players habang inaaral ang hero.

Ayon sa kaniya, ang pinakamalaking kamalian ng karamihan ay ang pag-iisip na dapat laging mabilis ang pagbato ng skills ng hero.

“They watch so many TikTok videos and then they wanna be just fast. But what’s the point of being fast if you miss every skill you cast?” aniya.

Mobile Legends: Bang Bang asssasin Soul Revelation Gusion skin
Credit: Moonton Games
Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo
Mga mabibisang Gusion counter sa MLBB ngayong balik sa meta ang hero

Payo niya, mas maging praktikal kaysa sa maging flashy. Diniin din niya na dapat mapatama ang skills ng assassin at iwasang umasim para makakuha ng kill.

Bukod dito, dapat daw intindihin na mahina ang early game ng hero kung kaya’t nagbabala siya na huwag sumubok na kumuha ng kills bago makarating sa level four.

“You gotta understand, before level four, Gusion is like worse than Nana. So you have to be really, really careful,” banggit niya.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends

BASAHIN: 4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito