Muli na namang nakapagtalo ng dagdag na panalo ang ONIC Esports sa kanilang winning record sa regular season ng MPL ID S9 laban sa Geek Fam ID. Ang panalong ito ay nakuha nila dahil na rin sa matagumpay na pagbara sa mga galaw ng jungler ng kalaban na si Geek RenV.

Sa match na ginanap noong Linggo, March 6, Tinapos ng ONIC ang series sa score na 2-0. Matibay ang panalo nila kung score lang ang pagbabasehan, ngunit kahit himayin pa ang mga games ay makikitang lamang na lamang talaga ang ONIC Esports.

Sa paggamit ng 2-roamer meta nina Kiboy at Samoht, matagumpay na ginipit ng ONIC ang Geek fam ID simula pa lang nung early game. Ngunit isa sa mga dahilan kung bakit lamang sila sa dalawang games ay ang kakayahan nilang bulabugin ang mga galaw ni RenV bilang jungler.

Source: Instagram Ipin Geek Fam

Pagkatapos ng match kung saan nakakuha ng Savage si CW gamit ang kanyang Miya, nagpaunlak sya ng panayam.

“Actually, in the first game, we also didn’t understand why Geek Fam ID chose Kimmy as the jungler option. While we play a strong Karina as a jungler,” sabi ni CW sa ONE Esports.

“In addition, we also play a midlaner that can clear wave quickly and make us able to get to work early. This is what makes Kimmy they so cannot get a lot of farming, because we rioted continuously from the beginning,” sabi niya.

Bukod pa dityo, ipinaliwanag din ni CW na nagagawa ito ng ONIC dahil din sa mga piniiling heroes ng Geek Fam ID.

“We’ve all adjusted. If for example they play Paquito jungler, maybe we won’t be able to play that brave. But because they play hyper Marksman, we can play like that,” sabi ni CW.

ONIC Esports at Aura Fire nangunguna sa MPL ID Season 9 standings

MLBB ONIC Esports MPLD ID S9
Credit: Instagram/ONIC Esports

Ang 2-0 na panalo na nakuha ng ONIC Esports laban sa Geek Fam ID ang nagpwesto sa kanila sa tuktok ng regular season standings ng Week 3 ng MPL ID Season 9.

Meron nang limang matches ba nalaro ang ONIC kung saan nakakuha sila ng apat na panalo at isang talo. Ang record na ito ay katulad ng sa Aura Fire, ngunit lamang ang ONIC pagdating sa game rate na 80% na mas mataas kumpara sa Aura Fire na may 69% lang.

Magandang simula ito para sa ONIC, lalo na upang mapanatili nila ang pagiging kampeon. PInapakita rin nito na hindi nagbago ang kanilang performance sa kabila ng pagbabago sa kanilang roster.

Karapatdapat na abangan ang mga mangyayari. Kung mapapanatili ba ng ONIC Esports ang kanilang posisyon hanggang sa susunod na linggo ng MPL ID Season 9 upang siguruhin ang kanilang pwesto sa upper bracket.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.