Nagawang dalhin nila Pinoy star jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol at Denver “Coach Yeb” Miranda ang ONIC Esports patungo sa M4 World Championship matapos silang makatuntong sa grand finals ng MPL Indonesia Season 10 sa kanilang debut sa liga.

Bagamat natalo sila sa RRQ Hoshi 1-3 sa upper bracket final, bumangon ang ONIC at pinatalsik ang AURA Esports sa pamamagitan ng 3-0 sweep upang makausad sa grand final na may kaakibat na slot sa M4.

Sa parehong araw na rin ito ay nakuha ni Kairi ang Regular Season MVP award.

Kabi-kabilang pagbati ang natanggap nila ni Coach Yeb mula sa mga Pinoy exports sa MPL.


Masaya para kila Kairi at Coach Yeb ang mga Pinoy exports sa MPL

Kairi tinanggap ang MPL ID Season 10 Regular Season MVP trophy
Credit: ONE Esports

Sa isang screenshot ni Gerald “Dlar” Trinchera ng EVOS sa kanilang group chat, kitang-kita ang tuwa sa pagbati ng mga kapwa ex-ONIC PH members kina Kairi at Coach Yeb, kabilang na rito sina Allen “Baloyskie” Baloy ng Geek Fam ID at Marky “Markyyyyy” Capacio ng Bigetron Alpha.

Sa katunayan, maging si Jaylord “Hate” Gonzales na parte ng Team SMG sa MPL Malaysia ay nag-congratulate din sa dalawa.

Tumugon naman ang 17-year-old jungler at sinabing ang tagumpay nila ay para sa kanila.

Credit: Dlar

Biniro naman siya ni Markyyyyy at gayundin ang ginawa ni Dlar sa nilagay niyang text sa screenshot.

“Sinungaling kang bata ka. Congrats my princess @onic_kai (Kairi),” sulat ni Dlar. “Congrats din coach ng mundo @onic.coachyeb.”

Para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito mula sa artikulo ng ONE Esports Indonesia.


BASAHIN: ONIC Esports sinakop ang kaharian ng RRQ Hoshi sa MPL ID S10