Isa sa pinakamalaking balita noong off-season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League ang paglipat nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach Denver “Yeb” Miranda sa ONIC Esports mula sa ONIC Philippines.

Sa unang laban ng Pinoy jungler kasama ang bagong koponan, agad niyang napatunayan ang kanyang husay. Tinulungan niyang mawalis ng ONIC Esports ang Rebellion Zion para matagumpay na simulan ang kanilang kampanya sa MPL Indonesia Season 10.

Gamit ang Akai sa dalawang mapa, walang dudang pinangibabawan ni Kairi ang Land of Dawn na tila gamay na gamay na niya ang paglalaro sa bagong liga. Hinirang pa siyang MVP noong game one at sa buong serye, isang beses lang siyang napatumba.

Mas confident na raw ang ONIC Esports salamat kay Kairi
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Ang epekto ng pagsanib ni Kairi sa ONIC Esports

Mas confident na raw ang ONIC Esports salamat kay Kairi
Credit: ONE Esports

Sa post-match interview, hindi ipinagkaila nina coach Mars at Aldo ang impluwensiyang hatid ng pagpasok ng Pinoy import sa koponan, lalo na sa mentalidad ng mga manlalaro.

Ibinahagi ni Mars kung paano tumaas ang kumiyansa ng kanilang players salamat kay Kairi.

“Dari segi mental, kami merasa lebih percaya diri sejak kedatangan Kairi. Baik di turnamen nasional maupun internasional kami akan lebih yakin karena kami merasa bisa memperbaiki kekurangan sebelumnya,” aniya.

(Mentally, naging mas confident kami simula noong dumating si Kairi. Sa national at international tournaments, magiging mas confident kami dahil pakiramdam namin ay naitama na namin ang mga naging pagkukulang namin.)

Mas confident na raw ang ONIC Esports salamat kay Kairi
Credit: ONIC Esports

Nagkaroon din daw ng improvement ang mga ONIC Esports players pagdating sa mga aspetong labas sa laro, ayon kay coach Aldo:

“Selain Kairi, enam pemain lainnya juga ada peningkatan di segi attitude. Kita tahu apa yang diinginkan di season ini, dan kita akan fokus mengejar itu.”

(‘Pag pasok ni Kairi, nag-improve yung attitude noong anim na players. Alam namin kung anong gusto namin ngayong season, at naka-focus kami para makamit ito.)

Sa susunod na linggo ng MPL ID S10, nakatakda namang harapin ng ONIC Esports ang Aura Fire, sa Biyernes, ika-19 ng Agosto, pati na rin RRQ Hoshi, sa Sabado, ika-20 ng Agosto.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Geek Fam ID owner kumpyansa sa kanyang team sa MPL ID S10, ano ang dahilan?