Ang lahat ay nakatingin sa ONIC Esports sa M5 World Championship.

Para sa mga Pinoy fans, isa itong pagkakataon makita ang pagbabalik-loob nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at Denver “Yeb” Miranda sa kanilang home country.

Ang dalawang ito ay dati nang naging sikat sa MPL PH scene, hanggang sa lumipat sila sa MPL ID branch ng ONIC Esports noong Season 10.

Dahil sa kanilang pag-representa sa Indonesia sa global stage, hinanda nila ang sarili nila sa isang ‘di magandang reaksyon mula sa mga Pinoy fans. Ngunit nagulat sila dahil sa nangyari sa isa sa mga meet-and-greet sessions ng team.



Kairi at Yeb, na-touch sa kabaitan ng mga Pinoy fans sa kabila ng kanilang pag-representa sa ibang rehiyon

MLBB Kairi Yeb
Credit: ONE Esports

Matapos ang kanilang match laban sa Bigetron Sons, daan-daang fans ang sumugod sa meet-and-greet session ng ONIC Esports para magpa-piktyur sa team

Ang mga Pinoy imports, na patuloy na nilapitan kahit na natapos ang sessions, ay nakatanggap pa rin ng suporta sa mga fans. 

Sa isang press conference matapos ang session, sinabi nila na nagulat sila sa mainit na pagbati sa kanila.

MLBB ONIC Esports
Credit: ONE Esports

“I was happy because they welcomed us with open arms,” sabi ni Kairi. “I didn’t expect that reception because we are playing for another country and yet the fans still support us.” 

Sumang-ayon si Yeb, at sinabi na ang meet-and-greet session na ‘yon ang pinakamaingay na naranasan nila. 

“We appreciate their reaction and support because we expected that many would be mad at us for playing for another region, but that’s not the case,” sabi niya.

Kasalukuyang lumalahok sa M5 World Championship ang ONIC Esports mula Disyembre 2 hanggang 17. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends

BASAHIN: M5 power rankings: Lahat nakatutok sa ONIC Esports at AP Bren