Narito na ang M5 World Championship!

Masasaksihan ng Land of Dawn ang pagtatagpo ng labing-anim na pinakamatitinding Mobile Legends: Bang Bang teams, habang nakikipaglaban para tanghaling pinakamahusay koponan sa buong mundo.

Dahil hindi nakapasok ang nagwaging M4 world champions na ECHO ngayong taon, may bagong kampeon na naghihintay na makamtan ang inaasam-asam na tropeyo.

Sa ating M5 World Championship power rankings, tatalakayin natin ang mga pangunahing bahagi at aspeto na kailangan mong bantayan habang nagaganap ang pinakamalaking torneo ng Mobile Legends: Bang Bang.

M5 power rankings

Happy to be here

  • Bigetron Sons
  • Triple Esports
  • Deus Vult

Dark horses

  • Burmese Ghouls
  • TheOhioBrothers
  • Team Lilgun
  • Team SMG

Red hot challengers

  • Fire Flux Esports
  • RRQ Akira
  • Team Flash
  • See You Soon

The best of the rest

  • HomeBois
  • Geek Fam
  • Blacklist International

Best of the best

  • ONIC Esports
  • AP Bren


Sino kaya ang magwawagi? Narito ang aming M5 power rankings

Burmese Ghouls, TheOhioBrothers, Team Lilgun, at Team SMG

TheOhioBrothers at NACT Fall 2023
Credit: Gaby Kosinski Photography

Muling naririto para sa isa pang M-Series appearance, ang Burmese Ghouls ay hinamak ang lahat at ipinapakita ang kakaibang halo ng diskarte at talento.

Ang kanilang hindi kapani-paniwala at napakahusay na teamwork ay nagdulot ng gulat sa kanilang mga katunggali, kaya’t nakamit nila ang reputasyon bilang isang malakas na koponan para sa kampeonato.

Mongolian M5 Wild Card representative, Team Lilgun
Credit: ESN- Esports Network

Mula sa kabilang dulo ng mundo, nagmumula sa North America, ang paglalakbay ng TheOhioBrothers sa kampeonato ay naging depinisyon ng mga bagay na hindi inaasahan habang ipinapatunayan ang kanilang sarili sa pandaigdigang eksena.

Ang mahusay na koponang ito ay may kakahayan na hindi maitatanggi at siguradong nilang malalaman ito ng bawat MLBB fan.

Samantalang ang mga nanalo sa kakatapos lang na M5 Wild Card tournament, ang Team SMG at Team Lilgun ay tiyak na magpapakita sa lahat ang tunay na kahulugan ng “wild card.”

M5 Wild Card team representing MPL MY, Team SMG
Credit: Moonton Games

Sa nalalapit na pagsisimula ng M5 World Championship, may sapat na lakas ang mga koponang ito mula sa Mongolia at Malaysia upang hamunin ang mga malalaking koponan ng torneo at patunayan kung anong kaya nilang gawin.

Fire Flux Esports, RRQ Akira, Team Flash, at See you Soon

See You Soon lifts the trophy after winning the MPL Cambodia Autumn 2023 grand final against CFU Gaming
Credit: MPL Cambodia

Ang RRQ Akira at FireFlux Esports ay parehong may matitinding rosters na nagtapos sa top 8 sa M4 World Championship.

Mula noon, patuloy ang paghahari ng RRQ Akira sa MPL Brazil para kunin ang kanilang ika-apat na sunod na titulo. Bukod dito, nangunguna pa rin sila sa Liga LATAM.

Sa kabilang banda, binubuo ng mga manlalaro mula sa M4 squad na Incendio Supremacy, pinamunuan ng FireFlux ang unang dalawang season ng MTC Turkiye Championship. Kasama rin sila sa MLBB Southeast Asia Cup 2023, kung saan sila’y nagtapos sa joint-fifth place.

Samantalang ang See You Soon ay kumuha ng isang Filipino jungler sa katauhan ni Michael “MP the King” Endino at gold laner na si Clarense Jay “Kousei” Camilo, na parehong gumanap ng mahahalagang papel sa kanilang tagumpay sa MPL Cambodia Autumn 2023.

Members of Team Flash holding the MPL SG Season 6 championship trophy
Credit: Moonton Games

Kasabay nito, ang Team Flash ay kumuha ng Filipino jungler na si Jaymark “Hadess” Lazaro na tumulong sa kanila na makuha ang kanilang unang tropeyo sa MPL Singapore Season 6.

Inaasahan na ang apat na koponang ito ay magtatangkang magbigay ng malaking hamon sa inaasahang mga kalaban, habang sinusubkang dalhin ang tagumpay na kanilang ipinakita sa kani-kanilang mga rehiyon patungo sa pandaigdigang entablado.

Blacklist International, Geek Fam, at HomeBois

Blacklist International jungler Stephen "Sensui" Castillo celebrating a win during MPL PH Season 12 playoffs
Credit: Moonton Games

Walang pwede magbalewala sa Blacklist International, Geek Fam Indonesia, at HomeBois sa darating na M5 World Championship.

Pinagdudahan sa buong season, ipinakita ng Blacklist na ang UBE strategy ay maaari pa ring maging epektibo, ginamit nila ito para talunin ang kalaban at M4 World Champions na ECHO sa playoffs upang makarating sa grand finals. Bagama’t sa huli’y natalo ng makapangyarihang AP Bren, ipinakita ng mga codebreakers ang kahulugan ng kanilang kakayahang umilaw na may bagong hanay ng manlalaro, at malamang na ito’y makikita natin sa M5.

Mayroon ding katulad na kwento ang Geek Fam sa Indonesia. Wala nag-akala na si Allen “Baloyskie” Baloy at ang kanyang mga kasama ay magiging hamon sa mga dambuhala ng MPL ID – ngunit nagawa nila hanggang sa huli. Bagaman natalo sila sa makapangyarihang ONIC Esports, nakipagbuno ang koponan sa mga Porcupines sa anim na laro bago tuluyang bumagsak, patunay na kaya nilang makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay.

Geek Fam celebrating a win during MPL ID Season 12 playoffs
Credit: ONE Esports

Samantalang ang HomeBois ay nagmula sa isang makapigil-hiningang run sa MPL Malaysia Season 12. Ang koponan ay nagtapos ng pangatlo sa regular season, bago umarangkada sa playoffs upang kunin ang korona. Ipinalabas nila ang tapang at disiplina sa pitong laro kontra sa koponang SMG sa grand final, mga katangiang maaari nating asahan sa M5.

AP Bren at ONIC Esports

ONIC Esports lift the championship trophy after winning the MLBB Southeast Asia Cup 2023 on June 18 at the Aeon Mall Mean Chey in Phnom Penh, Cambodia.
Credit: Moonton

Ang ONIC Esports ay ang inaasahang makakakuha ng panalo sa paparating na M5 World Championship. Ang koponan ay nakakaranas ng maraming tagumpay sa buong taon, pinagharian nila ang MPL ID Seasons 11 at 12, pati na rin ang korona ng MSC 2023.

Kilala ang koponan sa kanilang maingat ngunit pasabog na paraan ng paglalaro na sumasalamin sa diskarte at husay ng kanilang Filipino coach na si Denver “Yeb” Miranda.

Sa mga manlalaro, si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ay nangingibabaw bilang mahusay na jungler ng koponan, na kinikilala bilang isa sa pinakamalakas na junglers sa pro scene.

AP Bren at MPLI 2023
Credit: ONE Esports

Gayunpaman, hindi ito madaliang daan patungo sa tagumpay, dahil may posibilidad na makatagpo nila ang AP Bren, isang ring matibay na kalaban.

Ngayong taon, nagtagumpay ang AP Bren sa mga pangunahing torneo ng MLBB, nakuha ang mga tagumpay sa IESF 2023, ang 32nd SEA Games, at pinakakamakailan lamang, sa MPL PH Season 12.

Sa pangunguna ng may karanasan at M2 world champion na coach na si Francis “Ducky” Glindro, binubuo ang koponan ng mga bagong bituin na nagpakita ng malaking pag-unlad sa buong taon.

Bilang dagdag sa kanilang lineup, ang mga beteranong manlalaro na sina David Charles “FlapTzy” Canon at Angelo Kyle “Pheww” Arcangel, mga mahahalagang miyembro ng M2 World Championship-winning Bren Esports squad, ay itatampok sa kanilang misyon para kunin ang kanilang pangalawang world title.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Bakit meta bigla si roam Guinevere? RSG PH Light ipinaliwanag ang dahilan