Sinong marksman hero an\g pinakamalakas ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang? May opinion si ECHO gold laner Benedict “Bennyqt” Gonzales.

Sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), ang mga heroes tulad nila Bruno, Irithel, at Wanwan ang pinakagamit na marksmen.

Naging importante ang kanilang early-game damage at mobility para makontra ang tank jungle meta ngayon.

Ngunit ayon kay Bennyqt, may isang marksman na hindi nakatanggap masyado ng playtime ngunit dapat ay bigyang-pansin.



Hindi pinipili ang marksman hero na ‘to, ngunit para kay ECHO Bennyqt, siya ang pinakamalakas ngayon

Mobile Legends: Bang Bang Neon Lightwheel Karrie skin
Credit: Moonton Games

Noong tinanong kung sino sa mga marksman heroes ang nais niyang makita sa pro play, isa lamang ang kaniyang sagot – Karrie.

“Kapag naabot na niya ang kanyang power spike, mahirap na siyang pigilan, lalo na kapag naka-Purify,” saad niya sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports. “Walang marksman ang kayang makapantay sa kanyang pagiging epektibo sa team fights.”

Nangingibabaw si Karrie sa mga marksman heroes dahil sa kaniyang abilidad magdulot ng true damage dala ng kaniyang passive na Lightwheel Mark.  

Mahusay siya sa pagpapakawala ng matinding damage, lalo na sa mga tanky heroes sa team fights. Ngunit kahinaan niya ang early game, dahil magiging malakas lamang siya matapos makumpleto ang kaniyang Trinity Build.

Trinity Build sa Mobile Legends: Bang Bang - Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, at Golden Staff
Credit: ONE Esports

May tiwala si Bennyqt sa mga kapabilidad ni Karrie, at hula pa niyang magiging prominenteng hero ito sa paparating na M5 World Championship.

“Mas madalas siyang gagamitin kapag naging komportable na ang players sa paggamit sa kanya,” paliwanag niya. “Hindi man siya tulad ng ibang marksman heroes na malakas sa early game, matindi naman ang lakas ni Karrie pagdating sa late game.”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Eksklusibo: Bakit meta bigla si roam Guinevere? RSG PH Light ipinaliwanag ang dahilan