Ang Yin ultimate na My Turn ay isa sa mga pinakakakaibang skill sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kinatatakutan ng mga players ang lumaban sa kanya, lalo na kapag gumagamit sila ng vulnerable heroes sa backline.

Yin ultimate My Turn
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang My Turn ay isang game-changer na nagdadala ng isang kaaway sa kanyang domain ng hanggang walong segundo. Sa panahong ito, si Yin ay nagpapalit anyo upang maging Evil God na si Lieh, at nagkakaron ng malaking dagdag na attack damage.

Ang mahirap ay ang mga isolated na mga hero sa loob ng domain ay immune sa mga skill ng ibang mga hero, kung kaya’t nagiging malakas si Yin sa mga one-on-one situation.

Ang hindi alam ng iba, may paraan para kanselahin ang pag-activate ng skill na ito upang hindi mo kailangang harapin ang Evil God sa kanyang kaharian.

Paano kanselahin ang Yin ultimate sa MLBB?

Screenshot by Amanda Tan/ ONE Esports

Kapag si Yin ay naglalabas ng kanyang ultimate, mayroong isang maikling delay kung saan may lalabas na isang pulang selyo sa paligid ng kalaban na hero bago pumasok sa kanyang domain. Ito ang iyong pagkakataon na kanselahin ang My Turn.

Ang crowd control ang iyong pinakamahusay na kaibigan. Sa pamamagitan ng pag-stun o pag-knock up kay Yin gamit ang mga skill tulad ng Triple Sweep ni Saber, maaari mong ma-interrupt ang channeling phase ng kanyang ultimate.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combi na ito

Ang pag-knock back sa kalaban gamit ang battle spell na Flame Shot ay isang magandang opsyon din.

Ang pagkansela ng skill sa reaksyon ay hindi madaling gawin, ngunit kaya pa rin. Kapag lumitaw ang pulang selyo, gamitin agad ang iyong skill na may crowd control.

Gayunpaman, tandaan na ang cooldown ng ultimate ay agad na nag-re-refresh kapag na-cancel, kaya’t dapat kang mag-reposition nang maingat.

Ito ang dahilan kung bakit magandang pick si Brody laban kay Yin, dahil maaari niyang kanselahin ang My Turn gamit ang kanyang pangalawang skill na Corrosive Strike, at manatili sa malayo habang umaatake.



Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano gamitin ang emotes sa Mobile Legends: Bang Bang