Isa ang Lancelot sa pinaka-popular na assassin heroes sa Mobile Legends: Bang Bang. Gayunpaman, iba ang naging ihip ng hangin sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023).

Sa unang araw ng group stage, dalawang beses lamang naisalang ang Lancelot sa 12 games na nilaro, at parehong natalo ang teams na nagsalang nito.

Jungler role guide para sa mga beginners sa MLBB

Ang pagsikat ng tank jungler meta at ang paggamit ng Joy at Nolan sa current meta ang nagbunsod ng pagkabawas ng paggamit ng assassin hero.

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports sa MPLI 2023, binanggit ng ECHO jungler na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno na nananatiling viable ang hero ngunit base sa sitwasyon kung ito ba ay magiging epektibo.



Paano manalo gamit ang Lancelot sa ranked? Siguraduhin mong makuha mo ang krusyal na objective na ito ani ni KarlTzy

KarlTzy Lancelot
Credit: ONE Esports

“Malakas pa rin yung hero,” ani ng nagpasikat sa naturang hero. “Pero crucial yung first Turtle para maka-snowball. Kung hindi, mahirap maging effective sa laro”

Dinagdag niya na ang dating umuso na tank Lancelot ay maaari pa ring maging epektibo kontra sa ilang lineups.

Mobile Legends: Bang Bang jungle creep Turtle
Credit: ONE Esports

“Kung malalambot yung kalaban, siyempre damage build. At kung makukunat naman, tank build ka.”

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagsasanay gamit ang hero bago gamitin ito sa ranked games.

“Huwag mong sasayangin yung dash at importante na mabilis ka tapos accurate,” sambit ng pro. “Prio mo na mag-farm talaga bago sumali sa team fight”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Eksklusibo: Hadji ibinahagi kung sino nga ba ang best mage hero sa MLBB