SI Duane “Kelra” Pillas ang isa sa mga pinakamalakas na gold laners sa ngayon sa competitive Mobile Legends: Bang Bang.
Kilala para sa kanyang Beatrix at Wanwan picks, muli’t muli ay pinatunayan ng 17-anyos ang kanyang husay at pagiging epektibo sa paggamit ng mga marksman heroes na sikat sa kasalukuyang meta.
Sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), isa na namang marksman hero ang nadagdag sa kanyang arsenal – si Irithel. Ang Jungle Heart ay nakatanggap ng isang makabuluhang rework sa patch 1.6.84, at ang mga pro players, kabilang na ang gold laner ng Smart Omega, ay natutuwa sa kanyang bagong playstyle.
Bakit pinag-aagawan si Irithel sa MSC 2022

Dati, wala masyadong gumagamit ng Irithel sa mga ranked games at competitive play. Ngayon, dahil sa mga pagbabago sa kanyang auto-attack mechanic at ultimate na Heavy Crossbow, ay naging go-to pick na siya ng mga teams na nangangailangan ng maaasahang damage dealer.
Napatunayan ang kanyang lakas matapos siyang piliin ng ilang mga players sa MSC 2022. Maging si Muhammad “Lemon” Ikhsan ng RRQ Hoshi ay nakakuha ng Maniac gamit ang hero laban sa EVOS SG sa unang araw ng playoffs.
Para naman kay Kelra, ginamit niya ang hero nang dalawang beses sa tournament. Natalo sila noong una niyang ginamit ang hero laban sa TODAK sa unang araw ng playoffs. Sa kabutihang-palad, mas naging maganda ang resulta sa pangalawang beses niyang paggamit nito, kung saan naipanalo nila ang match at tinanghal siyang MVP na may 6/1/2 KDA.
Si Kelra at ang mabilis na pagsikat ng Irithel sa MSC 2022

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ibinahagi ni Kelra ang kanyang palagay sa bagong Irithel.
“I think Irithel is the strongest marksman hero right now” sabi niya. “[It’s] because the hero is easy to use and anyone can use it. Like me, it was my first time using the hero in a tournament.”
Sa kabila ng buff na kanyang natanggap, may isang malinaw na kahinaan si Irithel kumpara sa ibang mga marksman heroes, at iyon ay ang kanyang kakulangan ng mobility skill. Dito pa lang ay delikado na siya laban sa mga crowd control heavy compositions at mga assassins na kayang tumalon papunta sa backline para makakuha ng easy kill.
Isa itong mahirap na pagsubok, ngunit sinabi ni Kelra na meron siyang kakayahan na mapagana ang pick, at ikinumpara pa ang kanyang sarili sa ibang mga gold laners sa tournament.
“I am skilled at knowing when to enter a team fight, unlike other gold laners who tend to go first in,” sabi niya.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.