Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) ay isa sa mga pinakamalaking liga ng esports hindi lamang sa Indonesia, kundi sa buong mundo.

Ito ay isang liga kung saan hindi lamang kinokoronahan ang mga kampeon kundi humuhubog din ng landscape ng competitive gaming scene mula pa noong ito’y itinatag noong 2018.

Ang tagumpay ng ligang ito ay nagbukas ng daan para sa mga kilalang mga organisasyon ng esports tulad ng ONIC Esports, RRQ, at EVOS, upang magkaroon ng matibay na pundasyon at popularidad.

Kami ay gumawa ng isang komprehensibong listahan ng mga MPL ID champions magmula noong unang season, at sinubaybayan ang pag-unlad ng liga.



Lahat nang MPL ID champions mula unang season noong 2018

MPL ID S9 champions RRQ Hoshi joining MPL ID Season 10 playoffs
Credit: ONE Esports

Ang ONIC Esports ang may pinakamaraming titulo sa liga, na may limang kampeonato, samantalang ang sumusunod na pinakamalapit na koponan, ang RRQ, ay may apat na titulo.

SEASONTEAMPRIZE POOL
MPL ID Season 1Team NXLUS$100,000
MPL ID Season 2RRQ O2US$100,000
MPL ID Season 3ONIC EsportsUS$120,000
MPL ID Season 4EVOS LegendsUS$300,000
MPL ID Season 5RRQ HoshiUS$300,000
MPL ID Season 6RRQ HoshiUS$300,000
MPL ID Season 7EVOS LegendsUS$300,000
MPL ID Season 8ONIC EsportsUS$300,000
MPL ID Season 9RRQ HoshiUS$300,000
MPL ID Season 10ONIC EsportsUS$300,000
MPL ID Season 11ONIC EsportsUS$300,000
MPL ID Season 12ONIC EsportsUS$336,500

Dagdag pa, ginawa ng ONIC Esports ang kasaysayan sa pagiging unang koponan sa liga na nakakuha ng tatlong sunod-sunod na kampeonato.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: MPLI 2023: Narito ang lahat ng qualified teams