‘Di maipagkakaila na isa na ang Mobile Legends: Bang Bang sa pinakamalalaking esports titles sa mundo. Patunay na lang ang pagpapalawig ng kanilang mga turneo, maging ang pag pasok ng tanyag na esports organizations gaya ng Natus Vincere.

Sa kabila nito, wala pa ring balak na bumuo ng MLBB team ang Team Secret, ayon sa CEO nitong si John Yao.

Ang dahilan kung bakit hindi bumubuo ng MLBB team ang Team Secret

Bakit wala pang MLBB team ang Team Secret? Ito ang paliwanag ni CEO John Yao
Credit: Riot Games, Inc. (used with permission)

Sa isang panayam sa Yahoo Gaming SEA, ipinaliwanag ni Yao ang pag-expand ng organisasyon sa Southeast Asia. Binanggit niyang may plano silang magtayo ng gaming house sa Pilipinas para sa mga esports teams nito, kabilang na ang all-Pinoy squad ng Wild Rift at Valorant.

“[For] the Philippines, I’ll be in the country in 2022 because we will be building some infrastructure there,” aniya. “We are going to have a team house there.”

(Para sa Pilipinas, mananatili ako sa bansa sa 2022 dahil magtatayo kami ng mga imprastraktura. Magkakaroon kami ng team house doon.)

Bukod sa Wild Rift, meron ding squad ang Team Secret sa PUBG Mobile. Dalawa ang mga titulong ito sa mga pinakasikat na laro sa Southeast Asia.

Nang tanungin kung mayroon ba silang plano na pumasok sa MLBB market, ipinaliwanag ni Yao kung bakit hindi pa siya kumbinsido sa nasabing ideya.

“If you are an organization that is focused on Southeast Asia, in particular the Philippines or Indonesia, then you need to have an MLBB team, right? It’s the biggest esport in those two countries,” sabi niya. “But if you are in one of the other countries or if you’re a more global brand, then it may not make sense for you at this point in time.”

(Kung isa kang organisasyon na nakapokus sa Southeast Asia, partikular na sa Pilipinas o Indonesia, kung ganoon may MLBB team, diba? Pero kung nasa ibang bansa ka rin o kung mas global ang iyong brand, baka wala pang sense ito sa ngayon.)

Ang posibilidad na magkaroon ng MLBB team ang Team Secret

Credit: Team Secret

Sa kabila nito, hindi naman sinasara ni Yao ang posibilidad na tuluyang magkaroon ng MLBB team ang Team Secret sa hinaharap. Kahit aminado siyang mataas ang viewership ng mga nakaraang turneo, karamihan sa mga viewers nito ay mula sa Pilipinas, Indonesia, o sa SEA, sa madaling sabi.

“If viewership in other regions starts to increase then it might make sense one day, but I don’t think we’re quite there yet,” dagdag niya.

Mapapanood ang kumpletong panayam dito:

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang MWI 2022 ang most watched women’s esports sa kasaysayan