Sa magdaang mga taon, nangarap ang mga pro players ng Mobile Legends: Bang Bang na makatapak sa pinakamalaking entablado sa mobile esports scene, ang M-Series, na kilala rin bilang MLBB World Championship.

Taon-taon, ang pinakamagagaling na koponan sa buong mundo ay nagtatagisan ng husay sa pinakamalaki at pinakaprestihyosong torneo upang tanghaling MLBB world champion.

MLBB M5 logo
Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Ang unang torneo ng serye ay ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2019. Taun-taon, isang parangal ang ibinibigay sa pangunahing manlalaro ng koponang nanalo sa kampeonato, na nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay – ang grand final MVP.

Narito ang listahan ng mga manlalaro na ginawaran ng Grand Final MVP sa mga nagdaang taon.

MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combo na ito

Mga MLBB World Championship MVPs

Oura (M1 World Championship)

Oura MLBB World Championship MVP
Credit: Oura

Ang unang at tanging Indonesian M-Series MVP, si Eko “Oura” Julianto, ay nagtaguyod sa EVOS Legends sa isang matinding 7-game series laban sa RRQ Hoshi.

Ang kanyang kahusayan sa paggamit ng Masha ay nakatulong nang malaki sa kanyang koponan na manalo sa mainit na all-Indonesia grand final sa unang torneo.

KarlTzy (M2 World Championship)

KarlTzy M2 World Championship MVP
Credit: Bren Esports

Bininyagan sa palayaw na “KarlTusok”, si Karl “KarlTzy” Nepomuceno ay isang puwersang kinikilala sa M2 World Championship grand final.

Ang noo’y 16-taong gulang na jungler ay nagpatumba sa kanilang mga kalaban gamit ang kanyang paboritong hero, si Lancelot. Mas lalong pinagtibay ito nang piliin ng Bren Esports si Lancelot bilang kanilang world championship skin bilang parangal sa kanilang star player.

OHEB (M3 World Championship)

Si Kiel “OHEB” Soriano ang hitman na kinailangan ng Blacklist International upang matapos ang 4-0 sweep sa grand final laban sa ONIC PH.

Ipinalabas ng Filipino Sniper ang kanyang husay sa paggamit ng mga marksman heroes, lalo na sa kanyang Beatrix. Sinigurado ng gold laner na maihatid niya patungo sa tagumpay ang kanyang koponan sa pamamagitan ng pagiging isang damage-dealing machine.

BennyQT (M4 World Championship)

ECHO BennyQT MPL PH S11
Credit: MPL PH

Kinilala si Benedict “BennyQT” Gonzales sa pagiging isang halimaw sa paggamit ng marksman hero na si Karrie.

Naintindihan niya ang kanyang tungkulin bilang carry ng koponan, at pinangunahan ang ECHO patungo sa 4-0 na tagumpay laban sa mga defending world champions na Blacklist International.

Dahil dito, itinuturing siyang isa sa mga pinakamahusay na gold laners sa laro.

FlapTzy (M5 World Championship)

Hinirang na Finals MVP ng M5 World Championship si FlapTzy mula sa AP Bren
Credit: Moonton Games

Si David “FlapTzy” Canon ay isang mahalagang bahagi ng tagumpay ng AP Bren sa M5 World Championship.

Pagkatapos maglaro sa M2 World Championship kasama si M2 MVP Karl “KarlTzy” Nepomuceno, ginamit niya ang kanyang karanasan at naging malaking banta sa EXP lane gamit ang mga heroes tulad nina Terizla at Arlott.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Gusto mong wasakin ang mga kalaban gamit si Karrie? Siguruhing meron ka nitong 3 core items